KENNETH Nang hindi ko na naramdaman ang presensya niya ay nagmulat na ako ng mata. My hand automatically touched my cheeks where her lips landed. Mapait akong ngumiti bago umupo sa sofa. Tinukod ang dalawang siko sa magkabilang hita at sinapo ang ulo. Pabor sa akin ang nangyayari pero nasasaktan pa rin ako. She's been I'm dreaming of and I'm able to get close to her effortlessly but I can't get her completely. Hindi ko makuha ng buo ang puso niya. Ayoko ipilit ang sarili ko kaya nakokuntento na lang ako sa ganitong sitwasyon. Nang yayain ko s'ya para sumama sa outing kasama ang mga kaibigan ko at sinabi niyang sasama raw siya, labis ang tuwa na nadarama ko at parang hindi na ako makapaghintay na makasama siya ng matagal. Hindi nga mawala-wala ang ngiti ko sa labi habang sinasabi ko sa

