NIKAY "Hold on tight, Nikay," utos niya habang mahigpit ang hawak sa braso ko. Dahan-dahan niya akong inangat hanggang sa tuluyan na niya akong nailigtas. Napahiga ako sa ibabaw niya at dahil parang shocked pa ako ay tulala ako at hindi ko magawang kumilos sa ibabaw niya. Nanginginig ang katawan ko hindi sa lamig kundi sa takot. Kung hindi siya dumating ay baka wala na ako ngayon. Namalayan ko na lang ang sarili ko na humihikbi ng iyak. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nakahandusay sa batuhan at wala ng buhay. "It's okay. You're safe now," pagpapakalma niya sa akin pero hindi ito naging sapat para hindi mawala ang takot ko. Sumubsob ako sa dibdib niya at humagulgol ng iyak. Minsan naisip ko, para akong pinaglalaruan ng tadhana dahil kung sino pa ang tao na gusto ko iwasan ay

