Chapter 1

1611 Words
NICAH KAYEZIEL Nakasimangot habang sumusunod lang ako kung saan magpunta si Ate Nikki. Ngayon ako nagsisi na sumama ako sa kanya. Napapagod na ako maglakad. "Nikay, halika dito. Bilisan mo. Tingnan mo 'to, maganda ba?" Pinakita niya sa akin ang isang dress na kulay pink. Sumimangot ako sabay ayos ng salamin sa mata ko para mas lalo kong makita ang dress na hawak niya. "Maganda," walang ganang sagot ko. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila. Pinaharap niya ako sa malaking salamin at nilapat sa harap ng katawan ko ang hawak niyang dress. "Bagay na bagay sa 'yo," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa repleksyon namin sa salamin. "Hindi ako nagsusuot ng dress, Ate Nikki," nakasimangot na sabi ko at umalis sa harapan ng salamin. "Kaya walang nanliligaw sa 'yo dahil sa ayos mo eh," reklamo nito. "Fifteen pa lang ako, Ate. Focus ako sa pag-aaral kaya wala pa sa isip ko ang mga bagay na iyan," depensa ko. "Eh, 'di habang hindi ka pa nililigawan, mag-ayos ka na." I rolled my eyeballs. Hindi talaga niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasang-ayunan ang gusto niya. Pero kahit tumanggi ako ay bibilhin pa rin niya ang ayaw ko. Sa katunayan nga niyan ay lahat ng nasa aparador ko ay dress na binili niya. At kapag magkasama kami ay kailangan dress ang suot ko katulad na lang ngayon. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng nakaramdam ako na parang hinahalukay ang tiyan ko. Biglang nanlamig ang buong katawan ko at parang nagtayuan ang balahibo sa buong katawan ko Oh no! Bakit ngayon pa? Pinagdikit ko ang dalawang hita ko at inipit sa paraan na mapipigilan ko ang pagbulwak. Nagsisi ako na marami akong kinain sa restaurant na kinainan namin ng kapatid ko. "A-Ate Nikki," agaw ko sa atensyon nito. "O, bakit?" Kunot ang noo na lumapit siya sa akin. "Bakit pinagpapawisan ka eh, ang lamig naman dito sa boutique?" puna niya. "K-kailangan ko mag-banyo," diretsong sabi ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Nagmamadali akong lumabas ng boutique at naghanap ng malapit na comfort room. Pero wala akong makita at hindi ko na kaya kapag naghanap pa ako kaya bumalik ako sa restaurant kung saan kami kumain. May sarili kasing comfort room dito kaya no choice ako kundi dito na lang magbawas. Nagmamadali kong tinungo ang banyo. Mabuti na lang ay walang tao kaya malaya ko itong mailalabas na walang makakarinig. At mabuti na lang din ay dala ko ang paborito kong cologne. Ilang spray lang ay mangigibabaw na ang amoy nito sa loob ng cubicle. Aba, Juicy cologne yata ang gamit ko. Halos lahat ng kaklase ko ay bangong-bango sa akin dahil para raw akong candy sa amoy ko. Narinig kong may pumasok. Mabuti na lang ay nakapag-flash na ako at naglagay na ng pabango sa cubicle kaya safe na sa amoy. "When? Alright. I think about it." Gayon na lang ang panlalaki ng mata ko dahil boses ng lalaki ang narinig ko. Teka, mali ba ang pinasukan ko? Natampal ko ang noo ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na napansin ang sign sa labas ng comfort room. Ang problema ko ay paano ako makakalabas dito ng hindi ako nakikita. Hihintayin ko na lang ba lumabas ang lalaki? Inayos ko ang sarili. Nag-spray ako ng kaunting cologne. Pumikit pa ako at inamoy ang cologne ko. Tinanggal ko ang tali sa magkabilang buhok ko dahil nakatali ito ng dalawa. Inipon ko ito sa likod at tinali sa paraang hindi mahahalata na babae ako kung sakali man na may makasalubong ako. Mabuti na lang ay nakasuot ako ng jacket na may hood kaya nilagay ko ang hood sa ulo ko at pumuwesto para lumabas ng cubicle. Wala na rin akong naririnig na kaluskos sa labas kaya siguro ay wala na ang lalaki. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bahagya akong sumilip. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang tao. Malawak pa ang ngiti ko ng humarap sa pintuan palabas ng banyo ngunit napatda ako sa aking kinatatayuan ng makita ang lalaki na nakatayo sa harap ng salamin. Mula sa repleksyon ng salamin ay tinitigan niya ako. Tila nagulat din ito ng makita ako. Nagtataka siguro ito dahil may babaeng naligaw dito sa men's room. Teka, nahalata ba niyang babae ako? Oh no! Dress pala ang suot ko dahil si Ate Nikki ang kasama ko. Alanganin akong ngumiti kahit parang gusto ko ng matunaw dahil sa kahihiyan. "N-nagkamali ako ng pasok." Iyon lang ay nagmamadali na akong lumabas. Tinawag pa nga ako ng lalaki pero tuloy-tuloy ang lakad ko. Pero kung kailan malapit na ako sa boutique kung saan ko iniwan si Ate Nikki ay saka ko napansin na wala sa bulsa ng jacket ang paborito kong cologne. Hindi na rin ako pwedeng bumalik dahil baka may makakita na sa 'kin. Isa pa, baka mamukhaan ako ng lalaking iyon. Nasa parking na kami ng may nakalimutan naman si Ate Nikki sa boutique na huli naming pinuntahan. Heto nga at naghihintay ako dito sa loob ng second hand niyang sasakyan. Pero dahil nabagot ako sa tagal niyang bumalik, lumabas ako ng sasakyan. Sumandal ako sa pintuan at nagpalinga-linga sa paligid. Nang wala akong makitang tao, I put my earphones in my ear and opened the music application on my phone and started to find a song. When I saw one of my favorite songs, I played the button and then started to sing. I closed my eyes. Ninamnam ko ang bawat laman ng kanta. After a few seconds, nakangiting nagmulat ako ngunit kasabay ng paghina ng boses ko ay unti-unting naglaho na parang bula ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa hood ng sasakyan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Hindi ko masyado maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim sa kinaroroonan nito. Napalakas yata ang boses ko. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan. Hindi na natapos ang pagkapahiya ko ngayong araw. Tinanggal ko ang earphone sa aking tainga at tumalikod para pumasok na sa loob ng sasakyan. Hindi na dapat ako lumabas. "Why did you stop?" Natigil ako sa pagbukas ng pintuan ng narinig ko ang tanong ng lalaki. Pumihit ako paharap at alanganing ngumiti rito. "N-nahihiya kasi ako," walang paligoy-ligoy kong sagot. Hindi naman ako mahiyain pagdating sa pagkanta. Lagi nga akong pinapakanta sa school namin sa tuwing may event. Pero ibang usapan kapag hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita. "You have a beautiful voice. you don't need to be ashamed. You shouldn't hide your voice," he said. My cheeks heated up and I knew my face was red because of what he said. Good thing he was far away from me so he couldn't see my blushing face. "S-salamat." Naalarma ako ng umalis siya sa pagkakaupo sa kotse at nagsimulang humakbang palapit sa akin. Kinabahan ako dahil baka masamang tao ito. Wala akong laban kung may gawin itong masama sa akin dahil bukod sa payat ako ay malaking tao ito. Kinapa ko ang door handle ng sasakyan para buksan ito. Agad akong pumihit pero sa kamalas-malasan ay nagkamali ako ng hakbang. Napatid ako ng sarili kong paa kaya napaluhod ako. Natanggal ang salamin sa mata ko kaya ngayon ay hindi ko makita kung saan na ito napadpad. "No, no, no. Nasaan na?" natatarantang sambit ko habang kinakapa ang salamin ko. May sasakyan sa harap ko kaya medyo madilim kung saan ako nakaluhod. "Let me help– aww!" daing ng lalaki ng tumama ang ulo ko rito dahil sa gulat. Ako naman ay ininda ang sakit dahil rumagasa na ang kaba sa dibdib ko dahil sa presensya nito. "L-lumayo ka sa 'kin!" sigaw ko sabay tayo at atras ngunit may nasagi ako kaya nawala na naman ako sa balanse. Pero imbis na matumba ay agad na may humawak sa akin. Nakahawak ito sa braso ko at bahagyang nilapit sa kanya. Hapit din niya ako sa baywang. Nang mag-angat ako ng mukha para tingnan ito ay kinurap-kurap ko lang ang mata ko dahil malabo ang imahe niya at hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Agad na umigkas ang kamay ko na sakto namang sa pisngi nito dumapo. "f**k. Why did you slapped me?" gulat na tanong nito. "S-sorry, Kuya." Kasabay ng paghingi ko ng paumanhin ay mabilis akong kumilos. Tinulak ko siya at agad na kinapa ang door handle ng sasakyan na agad ko naman nabuksan saka mabilis na pumasok sa loob at ni-lock ang pintuan. Nanginginig ang kamay na pinaglapat ko ang dalawang palad ko at mariing pumikit saka taimtim na nagdasal na sana ay dumating na ang kapatid ko. I was startled by someone knocking on the car. "Nikay, buksan mo ang pinto." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Ate Nikki. Binuksan ko ang pinto sa driver's seat. "Bakit nasa labas itong salamin mo?" takang tanong nito. "L-lumabas kasi ako. Nagulat ako sa busina ng isang sasakyan kaya nahulog ang salamin ko," dahilan ko. "Nagulat din ba ang mata mo kaya nahulog ang salamin mo?" natatawang biro nito. Sumimangot ako at hindi na lang umimik. Sumagi sa isip ko ang lalaki. Umalis na kaya ito sa parking lot? "Ayaw mo kasi gumamit ng contact lense. Ayan tuloy, kahit paghahanap ng salamin mo ay nahihirapan ka," sermon nito. Mas komportable ako sa salamin kaya ayaw ko rin ng contact lense. Wala naman sila magagawa kapag ayaw ko. "May nakita akong pogi. Parang galing dito. Kilala mo?" Halata sa boses ng kapatid ko ang kilig. Pogi? Hindi ko nga naaninag ang mukha ng lalaki kanina. Siya kaya iyong tinutukoy ng kapatid ko? Kung siya man iyon, hindi na dapat niya ako nilapitan, nasampal tuloy siya ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD