NIKAY Nakatulog ako sa mga bisig ni Thaddeus. Nagising lang ako ng tila may narinig akong ingay. Nang tumingin ako sa labas ay medyo tumila na ang ulan ngunit balot pa rin ng hamog ang kagubatan. Marahan akong kumilos at nag-angat ng mukha para sulyapan siya. Napangiti ako nang makita ko na mahimbing siyang natutulog. Naawa ako dahil wala itong suot na damit. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nilalamig siya. Dumapo ang tingin ko sa magkasalikop pa rin naming mga kamay. Dahan-dahan ko tinanggal ang kamay ko at awtomatikong dumapo sa gwapo niyang mukha. Marahan ko itong hinaplos sa paraang hindi ko siya magigising. Gusto ko sulitin ang oras na kasama ko siya at yakap niya ako. Baka kasi ito na ang huli. Biglang nag-ulap ang mata ko habang matamang nakatitig sa mukha niya. Habang p

