NIKAY Pinahupa ko muna ang emosyon ko bago kami pumunta ni Kari sa reception. Pagpasok pa lang namin ay agad akong nilapitan ni mommy at mukhang kanina pa ako hinihintay. Kunot ang noo nitong tiningnan ako. "Are you alright?" tanong nitong muli. Ilang beses yata ako tatanungin ng mga nakakakita at nakakakilala sa akin kung okay lang ba ako. At ilang beses ko rin sasagutin na okay lang ako kahit sa loob ko ay hirap na hirap na ako. "Yes, 'my," nakangiting sagot ko. Inakbayan niya ako at naglakad patungo sa mesa kung saan nakaupo si daddy. Pinilit ko kumilos ng normal. Diretso lang ang naging lakad ko at hindi tumingin sa unahan dahil alam kong naroon silang dalawa. Umupo ako at hinanap ng mata ko si Kenneth. Napangiti ako ng makita ko ito. Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang nak

