NIKAY Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko. Dati pa man ay sinabi ko na kung hindi man si Thaddeus ang magiging first kiss ko, hahayaan kong si Kenneth ang makakuha ng unang halik ko. At binibigyan ko na siya ng karapatan ngayon para mahalikan ako. Tinuyo ko ang luha sa pisngi niya at dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Alam kong naghihintay lang siya kaya hinahayaan lang niya ako. Huminto ako ng kaunting espasyo na lang ang nasa pagitan ng aming mga mukha. Pinakatitigan ko siya, wala pa rin humpay ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. "Panghahawakan ko ang sinabi mo na hihintayin mo ako, Ken." Tumango siya. "I-I promise, prinsesa ko." Muling sumilay ang ngiti ko sa labi bago tuluyan ko ng nilapat ang labi ko sa malambot niyang labi. Kasabay ng pagpikit ko an

