NIKAY Naalimpungatan ako ng may narinig akong mga boses. Pagdilat ko ng mata ay nasilaw ako sa liwanag. Tirik na tirik na ang araw. Sinipat ko ang digital clock sa bedside table ko, alas dyes na ng umaga. Binalingan ko ang kaibigan ko, wala na ito sa tabi ko kaya bumangon na ako sa higaan. Bago ako pumasok sa banyo ay nakita kong kakawag-kawag ng buntot na lumabas si Mik-Mik. Napapailing na pumasok ako sa loob. Tinakpan ko ang ilong ko dahil amoy mapanghi na naman ang banyo ko. Naghilamos muna ako bago ko linisin ang ihi ng alaga ko sa tiles. Ilang beses ko na ito tinuruan na sa bowl umihi dahil hindi naman ito mahihirapan lalo na at may apakan naman ito pero hindi pa rin nito magawa. Pinapanood ko na nga ito ng right habit ng aso pero wala pa rin. Suko na ako sa alaga ko. Pagkatapos

