NIKAY Tatlong oras ang inabot na magkausap kami ni Kenneth. Himala nga dahil tumagal ang pag-uusap namin na hindi ito inaantok. Bumabawi raw siya kaya habang may energy pa ang katawan niya ay sinusulit niya. Hanggang sa ako na ang unang tumapos ng pag-uusap namin. Kailangan ko rin kasi matulog kahit sandali dahil tiyak na mapupuyat ako at baka antukin pa ako sa bar. Ayoko naman mapahiya si Sophie sa uncle nito. Nakatulog naman ako ng dalawang oras. Pagkatapos ko kumain ay naligo agad ako at nagbihis. Sinuot ko ang winter coat at ang winter cap ko, inayos ang salamin bago lumabas ng silid. "I'm leaving, Yandall," paalam ko sa pinsan ko. Tumango lang ito ngunit nanatiling nakatuon ang atensyon sa phone nito. Lumapit ako kay Yuan, bunsong kapatid nitong lalaki. Yuan is 13 years old pero

