NIKAY Huminga muna ako ng malalim bago nagbuga ng hangin. Kasabay ng pagbitaw ko sa nilalaman ng awiting napili ko ay ang pagkirot ng puso ko. Bawat salita ay tila punyal na bumabaon sa puso ko. Parang gusto ko bumigay pero hindi pwede dahil maraming tao ang narito at ayoko mapahiya ang pamilya ko at ang pamilya ng mapapangasawa ng kapatid ko. Lalong ayoko mapahiya sa maraming tao. I know my situation is f*****g hard because I love the person who is getting married to my sister but I have to be tough in front of them. I have to be brave just for now. Kaya kahit masakit na makita ay nagmulat ako ng mata. Ngayon nga ay nakikita ko nang naglalakad si Ate Nikki sa aisle ng simbahan suot ang maganda nitong trahe de boda. Napakaganda nito sa suot nito. Para lang niya nirarampa ang suot nito

