NIKAY Para akong nanghina kaya napakapit ako sa kobre kama. Muntik ko na nga mabitawan ang wireless telephone na hawak ko kung hindi ko lang ito napigilan. It's like my brain suddenly went blank so I don't know how to answer him. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paulit-ulit niyang paghingi ng sorry habang humahagulgol ng iyak. "H-hindi ko sinasadya, Nikay. I swear, I didn't expect that to happen. Lango ako sa alak kaya hindi ko alam ang nangyayari. Wala akong lakas, Nikay. Nagising na lang ako na may kasama na akong babae and we're… we're both naked." Parang paulit-ulit na sinaksak ang puso ko hanggang sa hindi na ito tumibok ng marinig ko ang paliwanag niya. Parang naulit na naman ang nangyari na nasaktan ako. Kung ano ang naramdaman kong sakit ng makita ko si Thaddeus na ikinak

