Chapter 22

2463 Words

NIKAY Nakatulog ako na hindi mawalawal ang ngiti ko sa labi tuwing sasagi sa isip ko ang huling pinadalang mensahe ni Kuya Kenneth. Sino ang mag-aakala na ang katulad niyang maangas at astig tingnan ay marunong pala magbitaw ng gano'ng salita? Nagising lang ako ng may yumuyugyog sa balikat ko. Pagmulat ko ng mata ay si Karina ang nabungaran ko. "Kakain na tayo, girl. Tama nang tulog iyan dahil hindi ka riyan mabubusog." Bumangon ako at sumilip sa may bintana. "Hindi na umuulan?" "Ambon na lang. Halika na, nagugutom na ako." Tumayo si Kari at tinungo ang pintuan. Palabas na ito ng muli akong lingunin. "Nikay, kung walang pag-asa ang kuya ko, please lang, huwag mo sana siyang paasahin. Kapag nasaktan siya, masasaktan din ako. Kaibigan kita pero magkakatalo tayo kapag sinaktan mo si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD