NIKAY I closed my eyes and I was about to kiss him ng biglang may malamig akong naramdaman sa mukha ko kaya napamulat ako. Kasabay ng pagdilat ng mata ko ay ang tili at sigaw dahil sa gulat ng mga kasama ko. Nanlalaki ang mata na bigla kong tinulak si Kuya Kenneth at tumili sabay talon saka punas sa mukha ko. "Palaka, ah!" tili ko. At kahit medyo umuulan ay lumabas ako ng cottage. Nagsisigaw ako sa labas kahit marami na ang nakatingin sa akin. Sino ang hindi mapapasigaw kung tinalunan ka ng palaka sa mukha? Tumakbo ako patungo sa cottage at dumiretso sa banyo saka naghilamos. Ilan sa mga palaka ay poisonous ang likido na pinapakawalan ng katawan nito kaya kinakabahan ako na baka nalagyan ang mukha ko. "Bwisit kang palaka ka, sana tinaasan mo pa ang talon mo. Bakit saktong sa mukha k

