NIKAY Marahan akong kumilos ngunit napadaing ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon at naupo sa kama. Tinukod ang dalawang siko sa hita at sinapo ang ulo. "Ang sakit ng ulo ko," daing ko. Nilibot ko ang tingin sa loob ng silid ngunit wala akong nakitang tao. May naulinigan akong nag-uusap sa labas kaya umalis ako sa kama ngunit kalaunan ay napahinto ako ng napansin ko na hindi na gown ang suot ko. Naglakad ako patungo sa pintuan habang sapo ang ulo ko na patuloy pa rin ang pagkirot. Wine lang naman ang ininom ko pero grabe ang sakit ng ulo ko. Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa harap ko si mommy at daddy na nakaupo sa sofa at abala sa pagkukwentuhan. "'My, 'dy," agaw ko sa kanilang atensyon. Sabay silang napagawi ng tingin sa akin. Tu

