NIKAY Hindi agad ako nakasagot dahil sa sinabi nito. Ginawa pa niyang dahilan ang pagkakaroon ko ng sakit para may ipang-blackmail siya. "Are you blackmailing me?" Words came out of my mouth. "If this is blackmail, yes, I am blackmailing you. Now, if you don't want them to know your situation, give me your number." His command is full of authority. Tumaas ang kilay ko. Teka nga, parang may naalala akong sinabi niya kanina. Bakit parang nakalimutan na yata niya? "Akala ko ba hindi mo na ako kakausapin? Bakit mo ako kinakausap ngayon?" Halatang natigilan ito sa tanong ko. Mataman lamang itong nakatitig sa akin. Matapang naman akong nakipagtitigan sa kanya. Akala siguro niya ay nakalimutan ko na ang mga sinabi niya kanina. Pwes, nagkakamali siya. "I-I… can't control myself, Nikay

