NIKAY Naging mabilis ang paggaling ko sa tulong na rin ng araw-araw na pagbisita at pag-aalaga ni Kuya Kenneth sa akin. Dalawang araw rin akong hindi nakapasok sa school dahil mas pinili ng parents ko na magpagaling daw muna ako bago pumasok. Sa mga araw na nasa bahay ako at sa kwarto lamang ako ay iyon rin ang mga araw na hindi ko na nakikita si Thaddeus. May pagkakataon na kapag pinupuntahan ako ni Ate Nikki ay pasimple ko siyang hinahanap pero bigo akong makita siya. Nakakadismaya lang dahil kahit alam niyang may sakit ako ay hindi man lang niya ako puntahan para kumustahin. Kahit silipin na lang sana ay hindi niya ginawa. Maaga ako bumangon dahil kailangan ko na pumasok. Nahuhuli na ako sa klase at baka hindi ko mahabol ang mga lessons namin. Kahit dinadala ni Karina ang notes niy

