NIKAY Seven years later… Nagising ako sa alarm ng phone ko. Alas sais na ng umaga ng tingnan ko ang oras. Pupungas-pungas ng mata na bumangon ako sa higaan at tinungo ang banyo para maghilamos ng mukha. Pagkatapos tuyuin ang basang mukha ay tinungo ko ang kusina para magtimpla ng kape. Tsinek ko ang phone ko pagkatapos ko magtimpla ng kape. I have seen some messages sent to me. I opened Karina's message first, pinapatawag niya ako. I stood up and went to the room to get my laptop then returned to the kitchen and immediately called Karina. "Good morning, girl!" masiglang bati nito ng sagutin ang tawag ko. I sipped my coffee first before answering her. "Same here, girl. So what is it? May problema ba?" Madalas kasi ay gabi kami nag-uusap kaya nagtataka ako kung bakit pinatawag niya a

