Matapos ang pag-uusap na iyon ay hindi na ako lumabas ng kwarto. Kahit noong tumawag sila para maghapunan ay hindi ako bumaba. Ayaw ko munang makaharap sila dahil sumasama lang ang loob ko. Nagpanggap na lang ako na tulog nany may kumatok ng kwarto ko para tawagin ako para bumaba na. I stayed at my room at nakatulala lang sa ceiling. I tried calling Clarisse but as usual, busy siya. Naiintindihan ko naman 'yon. Gusto ko lang talaga may mapaglabasan ng sama ng loob dahil pakiramdam ko'y sasabog na ako. Tumatawag din si Zendrick sa cellphone ko pero hindi ko sinasagot iyon hanggang sa in-off ko na lang. Sasabihin ko na lang na nakatulog na ako nang maaga. I was in the middle of spacing out when my door opened. Magpapanggap pa sana akong tulog ngunit huli na iyon dahil nahuli na ako ni Ku

