"Ma'am, nandito na po tayo sa bahay ninyo." "Ma'am Anchandra?" "Ma'am…" Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. "Ma'am, mukhang pagod na pagod po yata kayo at nakatulog kayo sa biyahe," saad ni Kuya Lando. My forehead creased. Nakatulog? "W-What happened po, Kuya? What time is it now?" tanong ko.. Agad siyang sumilip sa kanyang relo. Inangat nito ang kanyang mukha saka sumagot, "Alas kwatro y medya po, ma'am." 4:30? What the hell is happening? Iyong nangyari between me and Zendrick...panaginip lang ba iyon? Wait. I remembered that he texted me. Mabilis kong kinuha ang cellphone na nasa loob ng bag ko. I immediately checked my messages. I saw a message from an unknown number and nabuksan ko na iyon. Muli kong binasa ang nilalaman ng message. From: +639755627445 Hello. Pase

