Chapter 1

2625 Words
“Congratulation!” bati ng boss ng papa ni Alexa sa kanya. Nang lumabas ang result ng board exam para sa architecture ay isinama kaagad ni Manuel si Alexa sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito. First attempt niya ay nakapasa siya sa exam. Tama ang payo ng papa niya na focus ang kailangan. Hindi siya makapaniwala na nalagpasan niya ang pagsubok sa kabila ng depresyong dinanas niya. Dahil iyon sa pasakit na dulot ng ex-boyfriend niya na harap-harapan siyang pinagtaksilan. Pero dahil sa kagustuhang mapasaya ang kanyang ina na kasalukuyang nasa ospital, isinantabi niya lahat ng pansarili niyang problema. Hindi naman makatutulong sa pag-unlad niya ang mga iyon, bagkus ay naging pabigat. Last week ay naisugod sa ospital ang mama niya dahil sa stroke. Mabuti at naagapan pero naparalisa ang kaliwang bahagi ng katawan nito. Kumapit na sa patalim ang papa niya para lang matugunan ang pangangailangan ng kanyang ina. Nagkataon kasi na naubos ang naipon nitong pera sa medical training ng Kuya Ace niya sa Amerika. Sumabay pa ang gastos sa exam niya, at ang pagpapagawa ng bahay nila na naudlot dahil sa nangyari sa kaniyang ina. Napilitang umutang ng isang milyon ang papa niya sa boss nito. Dahil matalik na magkaibigan ang dalawa, madaling nagkabigayan ng pera. Pero nasorpresa siya nang malamang may usapan pala ang dalawa noon pang hindi pa inatake ng sakit ang mama niya. Nagulat na lang siya sa magaang pakikitungo sa kanya ni Engr. Roger Sta. Maria. Nasa lobby sila ng Sta. Maria Real Estate Developer. “So, let’s talk about the arrangement, Manuel,” sabi ni Roger. Tumabang ang ngiti ni Manuel at bumaling ng tingin kay Alexa. “Okay. Nabanggit ko na sa anak ko ang tungkol sa arrangement. Pero hindi naging malinaw sa kanya,” ani ni Manuel. Kinakabahan si Alexa. Kagabi kasi ay napag-usapan nila ng papa niya ang tungkol sa pag-aasawa. Hindi naman daw masamang mauuna siyang mag-asawa kaysa sa kuya niya. Noong nag-aaral pa lang siya ay nangako siya rito, na sino man ang lalaking pipiliin nito na pakasalan niya ay hindi siya tatanggi. May tiwala kasi siya sa panlasa nito pagdating sa mabuting lalaki. “Good. Kilala mo naman siguro ang anak ko, Alexa,” sabi ni Roger. Seryoso siyang tumitig sa ginoo. Kinakabahan siya dahil isa lang ang kilala niyang anak nito. Hindi pa niya iyon nakikilala nang personal pero sikat kaya masyadong mataas ang tingin niya rito. “Yes, sir. Si Franco po ba?” aniya. “Yes. Nag-iisang anak ko siya,” tugon ng ginoo. Malapad ang ngiti nito. “Matagal na kaming nagkasundo ng anak ko. Alam niya na wala akong karapatan sa rights ng Sta. Maria Group of Companies. Nakasaad sa Last Will and Testament ng tatay ko na ang unang apo niyang lalaki, na unang makapag-asawa o magkapamilya ay siyang magmamana ng lahat ng ari-arian niya.” Nawindang siya. Ang alam niya’y may kapatid na namatay ang ginoo. “Pero patay na ang kapatid n’yo po, ‘di ba?” aniya. “Yes, pero kahit namatay ang nakababata kong kapatid na lalaki, hindi pa rin ako magkakaroon ng share to be exact dahil may anak ang kapatid ko. Wala ring share ang asawa niyang naiwan. So ang pag-asa ko na lang ay si Franco. Gusto kong lubusin ang pagkakataon habang hawak ko ang ari-arian ng Tatay ko. Inamin naman sa akin ni Franco na wala pa siyang nakitang babae na papakasalan. Kaya ako ang pinagpasya niya. Ayaw rin niyang mawalan ng karapatan sa kompanya. So noon pa namin napagkasunduan ni Manuel ang tungkol dito. Inaasahan ko na naipaliwanag niya sa iyo nang maayos ang tungkol dito, hija,” paliwanag ni Roger. Paulit-ulit na lumunok si Alexa. Malinaw sa sinabi ng ginoo na siya ang gusto nitong ipakasal kay Franco. Tiningnan niya ang kaniyang ama. Ngumiti ito nang matabang. Tila dehado na matutuwa siya sa pasya nito. Pero habang iniisip niya ang hirap at sakripisyo nito, biglang lumambot ang kaniyang puso. Ginawa ng papa niya ang lahat para mapagtapos sila ng pag-aaral ng kuya niya at maipagamot ang kaniyang ina. Naisip niya, walang mawawala kung papayag siya sa kasunduan. Single siya ng dalawang taon matapos ng kabiguan niya sa relasyon. Dalawang taon din siyang tambay matapos niyang magtapos sa pag-aaral dahil kapos sa budget. Priority kasi ang kuya niya na pagkatapos ng medisina ay nagpapakadalubhasa pa para maging surgeon. Kaya butas ang bulsa ng papa niya. She didn’t feel jealous to her brother. Nangako naman ang kuya niya na ibabalik ang sakripisyo ng papa niya sa kanila. Tumigil sa pagtuturo bilang high school teacher ang mama niya dahil na-diagnose ito na mayroong coronary heart disease. Ang bahay nila sa Makati ay hindi matapus-tapos may limang taon na. Hanggang sa panahong iyon ay nagbabayad pa rin sila sa isang unit ng condominium na pag-aari ng mga Sta. Maria. Discounted pa nga sila dahil matagal nang engineer ang papa niya sa Sta. Maria construction company. Ayaw ng mama niya na tumira sa village na pag-aari ng mga Sta. Maria kaya napilitang bumili ng home lot ang papa niya sa Makati. “Ako po ang napili ninyong pakasalan ni Franco, sir?” tanong niya kay Roger, matapos makapag-isip. “Yes. Alam na rin iyon ni Franco. Actually, he wants to invite you for dinner tonight,” sabi ng ginoo. Lalong kumabog ang dibdib niya. Nilinis niya ang kanyang lalamunan. Ibinalik niya ang tingin sa kaniyang ama. Magaan na ang ngiti nito. She doesn’t have a plan to protest. She knew that her father wouldn’t risk her life in the wrong decision. “Huwag kang mag-alala, anak, alam na ito ng mama mo. Natutuwa nga siya. Kilala na namin si Franco kaya hindi kami nababahala sa magiging kapalaran mo sa kaniya. Napakabuti niyang tao,” sabi ng kaniyang ama. Bumuga siya ng malalim na hininga. “Mas okay po siguro kung makapag-usap muna kami nang personal ni Franco,” aniya pagkuwan. “Walang problema. I’ll call him later,” sabi ni Roger. “Thank you. Salamat po sa regalo,” aniya. Curious talaga siya sa napakalaking kahon ng regalo na binigay sa kanya ni Mr. Sta. Maria. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa mga ito. Nauna siyang umuwi dahil bibisitahin pa niya sa ospital ang mama niya. Pagdating sa unit nila ay binuksan kaagad niya ang regalo na mas malaki pa sa kaniya. Magaan ito pero matigas. Nang mabuksan ang kahon ay nasorpresa siya nang makita ang house model na dalawang palapag. Gawa ito sa kahoy na kinulayan na parang totoo. Masisilip sa loob. Mabubuksan ang munting pinto at bintana. Ganoon ang mga house model na nakikita niya sa real estate companies. Binuksan niya ang pinto sa unang palapag ng bahay. May nakita siyang maliit na sobreng kulay puti. Kinuha niya ang sobre at binuksan. May sulat sa loob. Congratulations! You had hired as an Architect of Sta. Maria Construction Company! Please send the phone number below your confirmation with your name and contact number. Napatili si Alexa sa tuwa matapos mabasa ang sulat. Matagal na niyang pangarap na magtrabaho sa kompanya ng Sta. Maria. Kinuha kaagad niya ang kaniyang cellphone at pinadala sa mensahe ang hinihingi ng kompanya. KINAGABIHAN ay nagtungo si Alexa sa ospital sa Makati kung saan naka-confined ang mama niya. Pagdating niya ay paalis na si Aleng Magda, ang nakababata nitong kapatid na walang anak at asawa. Naroon na rin ang papa niya. “O, anak, akala ko ba magdi-dinner kayo ni Franco?” wika ng kaniyang ama. “Pa, wala pa namang tumawag sa akin,” aniya. “Pero binigay na ni Roger ang phone number mo kay Franco.” “Baka po bukas o sa susunod na araw.” “Hindi ko alam. Basta hintayin mo ang text o tawag niya.” Natutulog pa ang mama niya. Nilapitan niya ang papa niya nang makaupo na ito sa sofa. Umupo siya sa tabi nito. “Pa, alam mo ba kung ano ang gift sa akin ni Engr. Sta. Maria?” sabi niya. Abala sa paghahanda ng biniling pagkain ang papa niya. “Ano?” kaswal nitong tanong. “Isang napakagandang two-story house model. At ang laman ng bahay ay isang sulat na nagsasabing in-hired nila ako para magtrabaho sa kompanya nila,” masiglang balita niya. Awtomatikong tumingin sa kanya ang ginoo na nanlalaki ang mga mata. “Talaga, anak?” hindi makapaniwalang untag nito. Tumango siya. “Yes, Pa.” “Wow!” Halos mapalundag ang ginoo sa tuwa. “Alam mo ba na hindi madaling makapasok sa kompanya ng Sta. Maria? Aba, ang swerte mo, anak!” “Oo nga po.” Biglang napalis ang ngiti niya nang maalala na baka parte pa rin iyon ng pabor na hinihingi ni Roger. “O bakit parang malungkot ka pa?” nag-aalalang tanong ng papa niya. “Baka ho kasama iyon sa package sa pagpapakasal ko kay Franco,” aniya. “So, away mo ng gano’n? Maswerte ka nga. Isang mahusay na engineer si Franco at kilala siyang model. Bata pa lang siya ay marami na siyang narating. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang iyon. Mabuti siyang lalaki. Siguradong wala kang pagsisihan sa kanya.” “Hindi naman sa kontra ako pero nag-aalala lang kasi ako. Baka hindi ako magustuhan ni Franco,” malungkot na sabi niya. “Imposibleng hindi. Ang ganda kaya ng anak ko.” Inakbayan siya nito. Napangiti siya at yumakap sa kaniyang ama. “Thanks, Pa. Kayo ang bukod-tanging lalaki na sobrang gandang-ganda sa akin.” “At bakit hindi? Anak kita, eh.” Natawa siya. Mamaya ay tumunog ang cellphone niya para sa tawag. Dagli niya itong dinukot mula sa kaniyang shoulder bag. Unregistered number ang tumatawag. Na-excite siya nang maisip na maaring si Franco na iyon. Tumayo siya. “Baka si Franco na iyan, anak,” sabi ng papa niya. “Baka ho. Lalabas lang po ako baka biglang magising si Mama,” aniya. Pagdating sa labas ng kuwarto ay sinagot niya ang caller. Ginandahan niya ang kaniyang boses para hindi ma-disappoint si Franco. “H-Hello!” aniya. “Hi, Alexa! How are you?” sagot ng boses lalaki. “I’m fine. May I know who’s calling, please?” sabi niya. “Before I introduce myself, I apologize for disturbing you.” Nawala ang focus niya sa kausap nang makita niya si Franco na paparating at may bitbit na isang basket ng prutas at punpon ng pulang rosas. Kung hindi si Franco ang kausap niya, sino? Tulalang nakatitig siya sa matangkad na lalaking huminto sa tapat niya. Nagniningning ang kaguwapuhan nito. Mukhang bagong ligo dahil mamasa-masa pa ang abuhing buhok nito na may dalawang pulgada ang haba na nakasuklay palikod. Bagong ahit din ang balbas nito. Nakakaagaw pansin ang katamtamang laki ng mga mata nito na abuhin, na naliligiran ng katamtamang kapal na pilik at kilay. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na makitid, gayundin ang mamula-mula nitong mga labi na maninipis. Noon lang niya nakaharap nang personal ang binata. Hindi niya akalain na ganoon ito ka-attractive. May two inches na lang para maging six footer ito, sa palagay niya. Simple lang itong manamit. Bughaw na maong pants at abuhing polo-shirt. Hiyang-hiya siya sa ayos niya. Hindi niya inasahan na magkikita sila sa gabing iyon kaya nagsuot lang siya ng puting maong short pants na kalahati ng hita niya at pulang blouse. Ang ga-baywang niyang buhok ay inipon lang niya at iisang bungkos na pagkataas-taas. Ni wala siyang makeup at lipstick. Pinutol muna niya ang linya sa tumatawag saka pormal na hinarap ang kaniyang bisita. Paulit-ulit niyang nilinis ang kaniyang lalamunan na wari may nakabara. “Uhm, h-hi!” naiilang na bati niya sa binata. “You’re Alexa San Diego, right?” untag nito. “Y-yes, I am,” sagot niya. “I’m Franco Sta. Maria. I think we don’t need to ask ourselves about the arrangement. But I want to meet you in person and discuss the plan over dinner. So, can I invite you for dinner tonight?” seryosong sabi nito. “Ah, sure. Pero uuwi muna ako para magbihis. Hindi kasi ako prepared,” amuse niyang sabi. “No problem. I’ll wait for you here. Or mas okay kung ihatid kita sa bahay ninyo at doon na kita hihintayin.” “Okay rin.” “Anyway, this is for you,” anito sabay abot sa kanya ng bulaklak. Naiilang pa siyang tanggapin ang bulaklak. Nang bumukas ang pinto ng kuwarto ng mama niya ay dagli niyang kinuha ang bulaklak. “Thank you,” sabi niya. Lumabas ang papa niya. Nasopresa ito nang makita si Franco. “Franco! Aba, bigla ka atang naparito,” anito. “Yes, Tito. Naisip ko na dalawin naman si Tita Anna, at umaasa ding makikita ko rito si Alexa,” sabi ng binata. “Mabuti naman kung gano’n. Halika sa loob,” anang papa niya. Pumasok muna sila sa loob. Iniwan ni Franco ang basket ng prutas para sa mama niya. Pagkuwa’y nagpaalam na sila sa kaniyang mga magulang. NAGING maayos ang pag-uusap nila Franco at Alexa tungkol sa kasal. Halos dalawang oras lang itinagal ang hapunan nila sa isang kilalang restaurant sa Makati. After three to four months pa raw nito mabibigyan ng eksaktong petsa ang kasal nila. Marami pa raw kasi itong project at inaasikaso. Gusto pa raw siya nitong makilala nang lubusan. May usapan sila na tuwing weekend ay magdi-dinner sila. Sang-ayon siya sa lahat ng gusto nito. Medyo masungit si Franco at seryoso pero hindi ito high profile. Hindi lang siya sanay sa sobrang seryosong lalaki. Magkakasama rin naman daw sila sa ilang project nito sa real estate. Mas excited si Alexa na magtrabaho sa Sta. Maria construction kaysa kasal na matagal pa naman. Hindi muna siya nag-e-expect ng isang daang-pursiyento baka ika niya’y biglang magbago ang isip ni Franco. Lunes ng umaga ay maaga siyang nag-report sa Sta. Maria construction. Naroon din ang main office ng Sta. Maria Group of Companies. Doon ang sinabi ng HR na nag-text sa kanya na mag-e-endorse sa kanya. Limang palapag ang gusali. Alas-otso pa lamang ng umaga ay marami nang empleyadong pumapasok. Kasabay niya ang mga itong naghihintay sa pagbukas ng elevator. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay sumiksik kaagad siya kahit may mga lumalabas pa. Nasa third floor ang HR office. Alas-nuwebe ang sinabing oras pero mas mainam nang maaga. Nang huminto sa third floor ang elevator ay bumukas ang pinto at naunang lumabas ang nasa unahan niya. Palabas na siya nang may lalaking humagip sa balikat niya. Napabilis ang paglabas niya dahil sa puwersa nito. Bago sumara ang pinto ay nilingon niya ang lalaking humagip sa kanya. Mag-isa itong nakasakay sa elevator. Natigilan siya nang mapamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. Ang tindig nito at pangangatawan ay mamilyar sa kanya. May isang dipa lang ang layo niya rito. Tumutok ang paningin niya sa mga mata nito na kung makatingin ay para siyang hinihigop palapit dito. Bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay nasaksihan niya ang matalim nitong ngiti. Hindi niya maintindihan ang biglang pagsikdo ng kanyang puso. Bumilis nang husto ang t***k nito. Doon niya naisip na maaring hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaki. Tumatak sa kukoti niya ang hilatsa ng mukha niyon. Mula sa may isang pulgadang buhok nito na abuhin at clean cut, hanggang sa katamtamang puti ng balat, almond shape na mga mata--na tila uhaw na tigre kung tumitig. Ang ilong nito na nakakaagaw-pansin ang tangos at nipis at mga labing mala-rosas ang pamumula na naghuhugis pusong maninipis. Mas matangkad lang ito ng isang pulgada kay Franco sa tingin niya. Kung mas matagal-tagal niyang nakaharap ang lalaki ay baka mas makilala niya ito. Kung sino man ito sa nakaraan niya, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay may matinong lalaking pakakasalan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD