RATED-18 *******************†*************************** Louisa's POV NAPAyakap ako kay Mommy habang unti-unti nang binaba ang kabaong ni Daddy sa ilalim ng hukay. Napasubsob ako sa leeg nito. Hindi ko kayang tingnan ang kabaong habang si Daddy ay nasa loob. apahagulhol na ng iyak si Mommy. Mas lalo pa akong yumakap rito. Ang sakit-sakit. Ngayon ko lang na-realize na hindi biro ang mawalan ng minamahal tapos kita ng dalawa mong mga mata na binabaon ito sa hukay. "Anak, ihulog mo na ang Rose." Wika ni Mommy. Naluluha akong kumiwala sa pagkakayakap rito at dahan-dahan tiningnan ang hukay. May mga bulaklak na sa ibabaw kaya itinapon ko na rin ang bulaklak ko. Naway maging payapa ka na Daddy. Mahal na mahal kita. Sa isip ko at napahagulhol na ako ng iyak. Hinagud-hagod ni Mommy ang l

