RATED-18 †******************†************************ Louisa's POV BIGLANG kumulo ang dugo ko nang makaharap ngayon si Alvin. Ito ang nagbigay ng inis sa akin kanina pa. "Ba't mo binili ang mansyon?" Diretsa kong tanong rito. Bahala na! Wala akong pakialam kung nandito kami sa loob ng boutique! "Gusto ko lang." Pang-aasar nito. Napakunot ang noo ko. Pinaglalaruan niya ba ako? "Gusto mo lang? Hindi mo ba alam kung gaano ka importante ang mansyon na iyon sa amin?" Napataas na ang boses ko. "I don't care." Antipatikong lalaki talaga ito. Wala man lang pakiramdam! Mas lalo yata itong naging demonyo! "Babayaran ko ang binayad mo kay Nicholas." Anas ko. Kahit mukhang malabong mangyari. "No, doon na ako titira bukas na bukas din." "What?!" Nanlaki ang mata ko. "Nananadya ka ba?" "

