ALL EYES HERE!!!
GXG STORY
BABAE sa BABAE
My Dear, please be openminded. Thank you!
If you don't like a story like this. It's my pleasure if you leave and fine something suits for you.
PLAGIARISM IS A CRIME
------------------------------------------
PROLOGUE
Last year na ni Zia sa isang sikat na University sa Maynila. Napag aral at napagtapos niya ang kaniyang sarili ,dahil sa sipag at tiyaga.
Everything where fine ,until the day when she meet the most mysterious person that soon change her life.
-----------------------------------------
This is my first story. If you don't like it, feel free to leave.
Thank you!!!
~~~~~~~~~~~♡♡♡~~~~~~~~~~~~~~~
*knock knock!
*knock knock!
"Ziaaaaa! Wake up come on ,let me in."
Arghh! Ang aga aga naman ang ingay nitong si Bea. Antok man ay pinilit kong bumangon para pagbuksan ng pinto ang maingay kong bestfriend.
" Finally! Akala ko pa naman aabutan pa ako ng taon dito."
" Ang OA mo ah! Ano ba kasing trip mo at nambubulabog ka diyan? "
Humarap ito sa akin at nameywang. " Aren't you excited? Today is our graduation day. "
Sinarado ko muna ang pinto ,saka naglakad papunta sa higaan ko para ayusin ito.
" Alam ko, mukha ba akong ulyanin para sayo? " Lumapit ito sa akin at tinulungan ako sa ginagawa ko. " Bakit parang hindi ka masaya? Valedictorian ka pa naman tapos parang wala lang sayo." Napabuntong hininga ako saka umupo sa kama ko."Masaya ako bes , masaya ako sa kung ano man ang narating ko ngayon. Kaso hindi ko maiwasang hindi malungkot ,kapag naiisip ko na yung dalawang tao na naging inspirasyon ko sa lahat ay wala sa tabi ko. Alam kong masaya sila kung nasaan man sila ngayon ,peru mas masaya sana kung magkakasama kami diba? " Napayuko ako saka pinunasana ang luha sa pisngi ko. Para sa kanila lahat ng ito, dahil gusto ko maging proud sila sakin.
Lumapit ito sa akin at umupo sa harap ko. " I know na sobrang saya nila ngayon ,knowing na natupad mo ang pangarap nila para sayo. Kaya dapat masaya ka din ,labanan mo yung lungkot na nararamdaman mo ngayon. Dapat nga masaya tayo diba ,hindi dapat ganito. Saka ngayon ka paba panghihinaan ng loob ,ihh andito na tayo? Andito kami para sayo, nawala man yung dalawang taong mahalaga sayo. Madami pa kaming natira Zia ,lalo na ako at si mama. Alam mong andito lang kami para sayo." Pinunasan nito ang mga luha ko. Tama siya. Dapat nga masaya ako ,kasi ito na ihh. Ngumiti ako sa kanya bilang pag sang ayon.
" Ano ba naman yan Zia ang drama mo naman ,pati tuloy ako nadadamay. " Natatawang pinunasan din nito ang luha niya ,saka tumayo. Tumayo na rin ako at niyakap ito. " Salamat ha, palagi kayong nandyan ni tita Madz para sakin." Gumanti naman ito ng yakap sakin. " Ano kaba. Wala iyon ,para saan pa at naging mag kaibigan tayo."
" Hay nako! Kaya pala ang tagal ih nagdadrama na naman kayong dalawa diyan." Bungad ng kakapasok lang na si tita Madz ,ang mama ni Bea. Lumapit ako dito at niyakap siya. " Salamat tita, maraming salamat sa lahat." Hinaplos nito ang likod ko at yumakap din pabalik. Siya na ang naging ina-inahan ko simula ng maulila ako. " Ano kabang bata ka, hindi mo kailangang magpasalamat. Para saan pa at magkaka pamilya tayo dito." Napangiti ako sa sinabi niya. " Oh ano pang hinihintay ninyong dalawa? Aba! Mag ayos na kayo ,diba graduation niyo ngayon. " Napatango nalang ako sa sinabi nito at nagpaalam na mag aayos na. Lumabas na ito at sumunod si Bea na nagpaalam na mag aayos na din.
Pagkalabas nila ay saka ako kumilos na para maligo. Kinuha ko ang towel sa kabinet na katabi lang ng higaan ko. Napadako ang tingin ko sa togang naka sabit sa tabi nito. Napangiti ako at napabulong na sana kung nasan man ngayon sila Inay at Itay , ay sana masaya sila sa narating ko.
Pumasok nako ng banyo para maligo ,20 minutes lang ang itinagal ko at lumabas na. Pumili nalang ako ng plain black t-shirts at pants sa drawer ko ,iyon nalang ang isusuot ko at ipapares ko iyong adidas na sapatos na nabili kong pang regalo sa sarili ko. Nagbihis na ako pagkatapos ay nag suklay ng buhok at nag lagay ng ka unting polbo. Hindi ko na kailangan pang mag ayos o mag lagay ng make up, hindi naman sa pagyayabang peru may ibubuga din naman tong itsura ko . Rossy checks ,red lips at pointed nose, isama mo pa ung kulay ng buhok ko na may pagka ash gray. Isinuot ko narin iyong black contact lens ko ,nagsusuot ako nito dahil ayokong makita ng iba ang totoong kulay ng mga mata ko.
* knock knock! *
"Ziaaa! Halika na ,baka ma late tayo! "
" Oo na palabas na ,saglit lang. " Napapailing nalang ako ,kahit kailan talaga itong si Bea palaging nagmamadali. Pumunta ako sa gilid ng kama ko at binuksan ang maliit na drawer na katabi nito. Inilabas ko ang isang itim na box na may pulang ribbon. Ito ang kaisa-isang regalo na iniwan ni Inay sakin ,nangako akong isusuot ko ito kapag nakapag tapos ako ng pag aaral at ngayon ang araw na iyon. Binuksan ko ito at inilabas ang isang kwentas na ang pendant ay pangalan ko "ZIA" . Isinuot ko ito at humarap sa salamin ,hinawakan ko ito at napangiti ako. Inaalala ko ang mga magulang ko , dahil kung ano man ang narating ko ngayon ay para lahat iyon sa kanila. Kinuha ko na iyong toga na nakasabit sa may drawer ko at saka lumabas ,kanina pa kasi sumisigaw itong si Bea baka daw ma late kami.
" Hay nako Zia ,ang tagal mo naman. Excited na kami ni Inay oh ,kaya halika na. " Hinila ako nito saka lumabas na ng bahay. Oo ,iisa lang ang bahay namin ni Zia. Sa kanila na ako tumira simula noong mawala ang mga magulang ko ,si Tita Madz nadin ang nag alaga at nag bantay sakin. Natatawang sumunod samin si Tita Madz ,excited ito dahil siya raw ang mag susuot ng medalya na para sakin. Schoolar ako at si Bea sa school na pinapasukan namin ,kaya tuwang tuwa si Tita Madz at proud siya samin. Kasabayan ko lang kasi si Bea at iisa lang din ang kurso namin ,kaya sabay din kaming ga-graduate at parehas pang may honors.
Paglabas namin ng bahay ay ingay ang sumalubong samin, ingay na mula sa mga kapitbahay namin na masaya din sa naging tagumpay namin. Kabi-kabilaang congratulations ang naririnig ko at walang sawa naman kaming nagpapasalamat ni Bea sa kanila. Pagdating namin sa school ay marami ng tao ,andun narin ang mga ka batch mate namin at ang kanilang mga magulang. Nagpaalam kami kay Tita Madz na naiwan sa hilera ng mga magulang, na pupunta na kami sa kanya-kanya naming upuan ni Bea. Pagdating sa upuan namin ay kabi-kabilaan din ang congratulations na naririnig ko mula sa mga kaklase ko ,binati din namin sila ni Bea ng congrats dahil ito na nga at magtatapos na kaming lahat. Nagsimula na ang programa hangang sa mag tawag na ng mga pangalan para sa honors, kinakabahan man ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ilang sandali lang ay natawag ang pangalan ko at halos mabingi ako sa sigawan ng mga katabi ko ,lalo na si Bea na sobra kong makatili. Tumayo na ako at hinintay si Tita Madz na umiiyak na makalapit sakin ,saka sabay na kaming umakyat ng stage. Nakipag kamay ako sa principal saka isinuot ni Tita Madz sakin ang medalya ko ,niyakap ako nito at walang sawang sinabi na proud siya sakin. Niyakap ko din ito ng mahigpit ,saka bumitaw at pumunta sa harap ng stage para magbitaw ng speech para sa lahat. Pagkatapos kong magsalita ay nagpalakpanan naman ang lahat ,lumapit ako sa mga naging guro ko at sa principal namin upang magpasalamat saka ako bumaba ng stage at bumalik sa kinauupuan ko. Tinawag din si Bea dahil may honor din siyang makukuha at si Tita Madz din ang nagsuot ng medalya dito ,kaya sobrang laki ng ngiti ni Tita dahil sobrang proud daw sya samin. Natapos ang program at nag kanya-kanya na ang lahat. Pauwi narin sana kami peru nag paalam muna ako kay Tita Madz na may dadaanan lang ako ,at uuwe din agad.
Sumakay ako ng jeep habang suot ko parin iyong toga ko, pupuntahan ko ang dalawang tao na naging inspirasyon ko ng lahat ng ito. Maya-maya ay pumara nako saka bumaba ,naglakad-lakad hangang sa marating ko ang kinalalagyan nila. Hinawi ko ang mga damo na humaharang sa pangalan nila ,saka inilapag ko ang diploma at medalya sa puntod nila. " Inay ,Itay para po sa inyo ito sana ay naging proud kayo sakin ,sana masaya kayo sa kung nasaan man kayo ngayon. Namimiss ko na po kayo Inay ,Itay sana kung andito pa kayo ,kayo sana ang kasama kong umakyat ng stage at nagsuot sakin nito. Gusto ko lang pong sabihin na tinupad ko po iyong pangarap niyong makapagtapos ako ng pag aaral, at abutin iyong mga mga pangarap ko sa buhay. Huwag kayong mag alala Inay ,Itay maayos lang po ako hindi po ako pinapabayaan nila Tita Madz at Bea ,pati narin po iyong mga kapitbahay nating sina Mang Berto At Manang Aida. Palagi po silang nandiyan para sakin. Miss ko na po kayo at mahal na mahal ko po kayo. " Hindi ko na namalayang tumutulo na naman ang mga luha ko, hanggang ngayon ay umaasa parin ako na sana magkasama pa kami. Na sana hindi sila nawala ,na sana ay masaya parin kaming magkasama na tatlo. Pinunasan ko ang mga luha kong ayaw tumigil sa pag patak. Nanatili muna ako ng ilang minuto roon ,saka nagpaalam na aalis na at babalik ding muli sa susunod.
Hinubad ko na iyong togang suot ko saka naglakad palabas ng sementeryo at pumara ng jeep ,bibili muna ako ng makakain namin nila Bea ka unting salo-salo lang para sa araw na ito. Maya-maya ay pumara na ako at bumaba ng jeep. Pumunta ako sa bilihan ng cake , pumasok ako sa loob at pumili ng favorite flavor namin ni Bea saka nagbayad sa counter at lumabas nadin. Papunta na akong palengke para sana bumili narin ng mauulam nang may makabanga ako. Isang Ale na nasa 55 ang edad ,humingi ako ng pasensya dito at tinulungan siyang pulutin iyong nahulog niyang pinamili. Tinanong ko ito kung may kasama ba siya ,dahil madami dami at mabigat ang mga bit-bit niya. Wala raw siyang kasama dahil mas pinili niyang mag-isa na mamalengke ,kaya sinamahan ko muna ito at tinulungan naring mag bit-bit ng mga dala niya. Nagpara ako ng taxi para sa kanya ,tinulungan naman kami ng driver na ilagay sa likod ng sasakyan ang mga pinamili niya. Nagpasalamat ito sakin ngunit natigilan siya ng tignan niya ako ,napaawang pa ito ng bibig at napa iling-iling. Magtatanong pa sana ako kung bakit ,ngunit na agaw ng driver ang atensyon ko ,nagtatanong ito kung saan niya daw ihahatid ang matanda. Napabaling naman ako ule sa Ale nang sabihin niyang siya na daw magtuturo ng address niya. Nagpasalamat ito sa akin saka tinanong ang pangalan ko ,sinabi ko naman ang pangalan ko at nagpa umanhin ule bago ko isinara ang pinto ng taxi. Pinicturan ko muna ang plate number ng taxi para makasigurado ,saka nagpatuloy narin sa pupuntahan ko. Bumili lang ako ng ka unting baboy ,gulay ,isda at prutas saka nagpasyang uuwe na. Nagpara ako ng jeep at sumakay dito.
Makulimlim na ng makakababa ako sa jeep ,mukhang nagbabadyang umulan. Binilisan ko nalang ang paglalakad ko para hindi maabutan ng ulan ,pagka rating ko sa lugar namin , nagulat pa ako sa pagputok ng balloon at sa hiyawan ng mga tao. " Surprise besssy!!! " Ang nakakarinding boses ni Bea ,may dala dala itong cake na gaya rin ng dala ko. Ang daya naunahan akong bumili. " Make a wish and then blow na daliii!! " Natatawa man ay sinunod ko narin ang gusto niya ,pumikit ako para mag wish saka dumilat at hinipan ang kandila. Naghiyawan naman ang mga kasama namin ,pinakuha ni Bea kay Bobby ang mga dala ko saka niya ako hinila papunta sa lamesa para kumain. Naghanda si Tita Madz ng ka unting salo-salo para sa lahat, nagsimula na kaming kumain at ang iba naman ay nag kwentuhan at nagkantahan.
Natapos ang gabi na sobrang saya at busog ng lahat ,tinulungan muna namin si Tita Madz na magligpit ng kalat. Pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanilang mag ina na papasok muna ng kwarto para maligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis naman ako ng pantulog at nagsuklay ng buhok.
* knock knock! *
Napalingon ako sa pinto at nakita kong sumilip si Bea. " Himala natuto ka ng kumatok ah ! " Natatawang sabi ko ,dati kasi ay pabigla bigla lang itong papasok dito sa kwarto. Pumasok na ito saka pabagsak na humiga sa kama. " Wala lang trip ko lang " Napailing nalang ako dito. " Oh bat kaba napadpad dito? May kailangan ka? " Lumapit narin ako dito at umupo sa kama. "Hmmmm ,napagtanto ko lang kasi si Z na.." Napataas naman ang kilay ko sa kanya ,pabitin pa hindi pa ituloy. " na anoo?" Umayos ito ng pagka upo sa kama ,saka humarap sakin at ang seryoso ng mukha nito. Matagal pa ito bago sumagot. " na ang ganda ko, Hahahaha! " Napairap nalang ako dito saka hinampas siya ng unan. " Sabi na nga ba at kalokohan na naman yang sasabihin mo. " Gumanti naman ito ng hampas sakin habang tumatawa parin , bakit ko ba naging bestfriend to ih napaka siraulo. " Peru seryoso na bes , ano nang balak mo? Tuloy ba iyong pag a-apply mo ng work sa isang malaking kompanya dito sa maynila? " Tumango lang ako sa sinabi niya. " Bakit mo naman naitanong? Ikaw ba ano na ang balak mo? " Ngumiti ito sa akin ,ngiting alam mong may balak na gawin. " Mag a-apply din ako sa a-applayan mo. " Natatawang saad nito. Sabi ko na nga ba ,alam ko namang hindi hihiwalay ang isang to sa akin ih. " Sus. Kahit kailan ka talaga. Oh siya may requirements kana ba? Iyong akin kasi ay matagal ko nang naihanda. " Sinenyasan ko itong tumayo muna para mapag-pagan ko ang higaan ko. " Oo naman ,ako pa ba? Naihanda ko na iyon noong isang araw pa. Interview na ngalang ang kulang ih. " Oo nga naman ,bat ko nga ba nakalimutan ih alam ko namang di nagpapahuli ang isang to. " Sa Monday ko na balak mag apply ,sasabay kana? " Umupo na ako sa kama pagkatapos mag pag-pag. " Oo naman nuh ,para may kasama ako. Ayokong mag isa na a-apply dun. " saad nito saka naglakad papunta sa pinto. " O siya ,lalabas nako . Magpahinga kana Z at congrats ule. " Nagpasalamat ako dito at binati din siya ,hindi lang naman ako ang grumaduate saming dalawa. Lumabas na ito saka ko ini-lock ang pinto. Pinatay ko ang ilaw saka lumapit sa kama para mahiga na. Masyadong mahaba ang araw na ito para sakin ,maraming nangyari. Kulang man peru naging masaya padin.
----------------****--------------------
Lumipas ang ilang araw at ito na nga ,naghahanda na ako para sa interview ko mamaya. Monday ngayon at ngayon din ang usapan namin ni Bea na mag a-apply ng trabaho. Nakasuot ako ng formal attire kapag nag a-apply, naka messy bun ang buhok ko at nakasuot parin ako ng contact lense. Hindi narin ako nag lagay ng make up pa ,dahil para sakin mmaayos na ang itsura ko. Isinuot ko rin iyong necklace na regalo ng magulang ko sakin. Para narin itong lucky charm para sakin ,dahil kapag suot ko ito feeling ko kasama ko sila palagi.
Kinuha ko na sa kama ko ang mga hinanda kong requirements at bag saka lumabas ng kwarto. Inilapag ko muna ang gamit ko sa sala para puntahan sana si Bea sa kwarto niya ,peru nakita ko itong palabas na kaya inintay ko nalang siya. " Tara na ,ang tagal mo talaga kumilos. Bilisan mo dahil paniguradong traffic sa EDSA ,kaya dapat maaga pa tayong makaalis. Baka wala na tayong maabutan na interview. " Kinuha ko na muli ang mga gamit ko sa sala ,saka naunang lumabas. Narinig ko naman itong nagreklamo , dahil masyado daw akong nagmamadali ih maaga pa naman. Nakita ko si Tita Madz sa labas na kausap si kuya Bong ,iyong kapitbahay namin. Nilapitan ko ito para sana mag paalam na aalis na kami. " Oh ,nariyan na pala kayong dalawa. Sumabay na kayo dito kay Bong ,nakiusap kasi ako na isabay kayong dalawa para hindi kayo ma late sa interview niyo. " Nagdiwang naman ang isang kasama ko ,ayos daw para hindi kami hagard pagdating doon. Nagpaalam na kami kay tita at sumabay na kami kay kuya Bong papunta doon sa nakaparada niyang taxi. Ito kasi ang pinagkakakitaan niya ,ang pagmamaneho ng taxi.
Sumakay kami ni Bea sa backseat ,dahil doon niya kami pinapaupo. Ilang saglit pa ay umalis nadin ang sasakyan ,hindi naman ganun kalayo ang kompanya na pag a-applayan namin. Peru mas maigi ng maaga kami ,baka hindi kami makuha dahil paniguradong marami rin ang mag a-apply doon. Ilang minuto pa at nakarating kami sa destinasyon namin ,hindi kami dumaan sa EDSA dahil siguradong traffic doon sabi ni kuya Bong. Inaabutan ko ito ng bayad peru hindi niya tinatanggap ,tulong niya na lang daw samin ni Bea ang paghatid niya. Galingan lang daw namin sa interview ,para makuha namin ang trabaho. Nagpasalamat naman kami dito at lumabas na ng sasakyan.
Napatingala kami sa building na kaharap namin ngayon ,may tatlumpong palapag ang gusaling ito. Kaya siguro isa ito sa pinaka malaki at sikat na kompanya dito sa Maynila. " Ano ,keri ba today gurl? " Natatawang saad ni Bea. Alam ko namang kinakabahan ang isang to ,peru tinatago niya lang. " Oo naman ,ikaw ba keri mo today? " may paghahamon na saad ko dito. Nagpatunog pa ito ng mga daliri niya sa kamay ,saka humingang malalim. "Oo naman. Kaya tara na. " Hinila ako nito saka patakbong umakyat ng hagdan. Pagkapasok namin sa lobby ng building ay may mangilan-ngilan na kaming nakita na mukhang mag a-apply din. Uupo palang sana kami sa isang bakanteng upuan ng marinig namin na magsisimula na raw sila, kaya naghanda na rin kami. Pinapapila na ang lahat ,kaya pumila narin kami. Iyong dalawang nakauna sa pila ay pinapasok sa magkahiwalay na room, tingin ko iyon ang room for interview nila. Makalipas ang ilang minuto ay sabay na lumabas ang dalawa ,nagtaka pa nga ako dahil parang naiiyak na iyong isang babae. Mukhang hindi yata siya natanggap. Sumunod narin ung iba na nasa unahan ,pang eleven ako sa pila at nasa likod ko naman si Bea. Tinignan ko ito at halata mong kabado siya ,kaya tinapik ko ito ng laban lang.
Dalawa nalang at matatawag na ako at si Bea ,habang papalapit ay mas lalo naman kaming kinakabahan na dalawa. Mukha kasing mahirap ang interview nila ,dahil iyong mga nauna sa interview ay matataas ang confidence ,peru pagkalabas nila ay para silang pinagsakluban ng lupa. May ilan din namang masaya na lumabas at mukhang natanggap sila. Hindi ko namalayan na kami na pala ni Bea ang susunod ,kaya hinarap ko siya at sinabihang tatagan niya loob niya at galingan. Niyakap ko pa ito bago kami naghiwalay at pumasok sa kanya-kanyang room.
Natapos ang interview ko at lumabas na ako ng room. Hinanap ng mata ko si Bea at nakita ko itong nakaupo sa isang sulok. Mukhang hindi maganda ang resulta ng kanya , nilapitan ko ito at niyayang lumabas na. Pagkalabas ng building ay naglakad-lakad kami ng ka unti ,wala akong lakas na magtanong kung kamusta ang interview niya. Hihintayin ko nalang na kusa itong magsalita at magsabi sakin. Maya-maya pa ay huminto ito sa paglalakad at humarap sakin ,bakas sa mukha nito na umiyak siya. " Anong result ng sayo? " nag aalangan akong sagutin ang tanong niya ,kaya napayuko ako. Ang hirap sabihin na natanggap ako tapos siya hindi ,alam kong masasaktan ang isang to. " Alam mo, marami pa naman tayong pwedeng pag applayan na kompanya . Marami din namang tatanggap satin dahil graduate naman tayo ng college." Kung hindi siya tanggap ay tatanggihan ko nalang ang offer nila sakin at mag a-apply nalang ako sa iba , kung saan makakasama ko ang bff ko. Narinig ko naman itong humagikhik ,kaya nakakunot noong napatingin ako dito. " kyaaaàaaàhhh!! Ziaaaa na hire ako ,na hire ka rin diba? may trabaho na tayooooo!!! " Nagtaka naman ako sa inasta niya. " Na hire ka? Ih bakit parang pinagsakluban ng lupa ung pagmumukha mo kanina? Nag alala pa naman ako sayo. " Para naman itong baliw kakatawa ,siraulo talaga ang isang to. " I'm just kidding okay? Sorry na. I'm happy bessssy! May trabaho na tayo ,paniguradong matutuwa si mama nito." Napangiti nalang ako sa inasal niya at tama sya matutuwa si Tita Madz lalo na siguro sila Itay at Inay.
Inay ,Itay . Kung nasaan man kayo ngayon ,sana masaya kayo para sakin.