Napasapo ako sa noo nang maalala ulit yung kahina-hinala na lalaking lumapit sa 'kin kagabi,
What the hell was with him?
And how the hell did he know my name?
And the game,
Fuck! He's giving me a headache,
After the incident last night, i went straight in my apartment, i don't even know how i got home safe and sound.
"I don't share what's mine, i'm not sorry for pushing those fuckers away from you, but be ready, i will take you, whether you like it or not, Tahlia Mercedes, Be ready.. i will make you remember me, again."
Napatutop ako sa bibig ng maalala at mapagtanto ang sinabi niya kagabi,
"I don't share what's mine, i'm not sorry for pushing those fuckers away from you,"
"So, hindi ako pangit at hindi rin ako isinumpa dahil sa mga nangyari? It was his fault, he was the one pushing my ex-boyfriends away from me?"
Napatingin ako sa salamin at dahan dahang lumapit,
Marahan kong hinawakan ang salamin, at madramang dinama ito.
"Damn, how could be a woman like me be so gorgeous?"
Naputol ang pagda-day dream ko ng tumunog ang cellphone na nasa study table,
"Istorbo ka, Isha! Busy ako!"
"Gaga! Pumunta ka ng office ngayon, may malaking rebelasyon na magaganap. Bilisan mo!" Rebelasyon? Ano nanaman ba eksena nito?
"Rest day ko ngayon, at pwede ba Isha, hayaan mo muna ako na magluksa kahit isang araw lang. I'm broke!" Kainis, kailangan ko magmukmok kasi wala na kong boyfriend.
"Wala na kayo ni Dale?" Napabuntong hininga ako at umupo sa gilid ng kama,
"We broke up last night." Kunwari'y naiiyak na sagot ko, napatingala ako at pinipigilang tumulo ang imaginary tears ko.
"Aww, chAir uP gHourL. kAya mO yAn, mAkakAmovE- On kA rIn.." naririnig ko ang pigil na tawa nya sa kabilang linya kaya mas sinakyan ko pa lalo,
"Tama ka riyan, hindi ko deserve ang katulad niya, ang sakit sakit huhubels" Sabay kami na humagalpak ng tawa dahil sa kalokohan,
"Gago ka, isinumpa ka nga talaga! Isinumpa na hindi na magkakajowa!" Patuloy parin 'to sa pagtawa pero natahimik na ko dahil pumasok bigla sa isip ko yung lalaking naka luxury car kagabi,
"Isha, maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayo na may isang lalaki na gumagawa ng paraan para iwanan ako ng mga naging boyfriend ko? Like an obsess man.." Natahimik ang nasa kabilang linya, pero saglit lang ay humagalpak na ulit ng tawa.
"Teh, ganda ka?" Sagot nito na nakapagpakunot ng noo ko,
"Kainis ka, Isha! Seryoso kasi tanginang tao to."
"Seryoso rin ako, gago ka! Yan ka nanaman sa day dreams mo, magasikaso ka na't pumunta rito, may bago tayong amo! Kilos na, echoserang frog!" Inis na binato ko sa kama ang cellphone, bakit ayaw niya maniwala? Maganda naman ako ah! Geez..
Nagbeep ang cellphone na binato ko kanina, may text message galing kay Isha,
OMG Ghourl! Fafa yung bago nating amo, ang shereppp! Hindi tanders, batang bata! Fresh na fresh!
Patakbo akong pumasok sa CR ng mabasa ang message ni Isha, Gosh, hindi pwedeng mahuli ako!
Fafa pala eh, ang sarap lafangin non cyst! Grrrrr
Nang matapos magasikaso ay patakbo akong lumabas ng apartment, bago tuluyang umalis ay nagtext muna ako kay Isha,
I'm on my way, ghourl. Siguraduhin mo lang na fafa yan! Fafatayin kita kapag hindi.
I sent the message and drove my car, hindi na rin siya nagreply siguro ay busy na sa paglalandi, ang gaga na yun!
Bestfriend daw, pero lumandi magisa, hindi man lang ako hinintay!
Nang makarating sa Y.S Food and Drug Corp. Ay dali dali akong pumasok, pero punyetang guard 'to, hinarang ako!
"I.D ma'am?" Hinarang nito any batuta para hindi ako makapasok, inis na kinalkal ko ang bag at pinakita sakanya,
"Oh ayan, manong guard, happy? happy? Tsk. Late na 'koo!" Tinalikuran ko din to agad at inis na nilingon ng tawagin ako ulit,
"Sandali ma'am, log book po." Napakamot ito sa noo, bago inabot ang ballpen,
"Alam mo manong guard, kapag hindi ko inabutan yung amo natin na bago, titirisin kita na parang kuto! Oh, ayan na! Tse!" Nagflip hair ako bago umalis, tumakbo ako papunta sa elevator at pinindot ang floor kung saan ako tataas. 10th floor.
Nagayos muna ako sandali, at nang tumunog ang elevator ay nagmadali na din akong lumabas,
Wala akong naabutan na kahit isang empleyado sa floor na yun.
Kunot noo akong lumapit sa janitress na naglilinis,
"Ate, asan yung mga panget kong co-workers?"
"Ay, ma'am nasa conference room po ata sila. Kakaalis lang din, andun na daw kasi yung bagong amo." Sagot nito, nagpasalamat ako at agad na tumakbo sa elevator, f*****g s**t, late na 'ko! Kasalanan 'to ni manong guard at ng batuta niyang jutay eh!
Nang tumigil ang elevator, takbo lakad ang ginawa ko bago marating ang conference room,
Pero bago pumasok ay inayos ko muna ang nagulong buhok at huminga ng malalim bago pihitin ang door knob,
Parang tinambol sa kaba ang dibdib ko nang sabay sabay lumingon ang lahat ng pangit na nilalang na nasa kwarto,
Ang hirap maging maganda, agaw atensyon talaga!
Confident akong pumasok sa loob at taas noong lumapit kay Isha na nakataas ang kilay, umupo ako sa tabi niya,
"Nakakahiya ka!" Bulong nito at kinurot ako sa tagiliran, napakislot naman ako at tiningnan siya ng masama,
"Ano ba? Kasalanan ko ba na maganda ako?" Tsk. Siningkitan niya lang ako ng mata bago tumingin sa harap,
Maguumpisa palang pala, buti na lang!
"Asan yung fafa? amfafanget ng mga nandito, gaga! Ang shoshonda ng mga share holders, look!" Tinuro ko ang mga matatanda na nakaformal suit sa harapan na may mga hawak na folder, at yung iba ay naguusap.
"Itikom mo nga 'yang bibig mo, maguumpisa na. Baka may makarinig sayo diyan!" Inismiran ko lang siya at bumulong bulong, sana 'di na lang ako pumunta! Ang tatanders na ng mga nandito tsk.
"Hala ang pogi!"
"Siya yung bagong CEO diba?"
"Oo, jusko yung panty ko!"
Syempre naninilaw. Malandi ka eh.
Anong pogi? Eh ang shoshonda ng mga nandito, ang papanget niyo na nga, ang papanget pa ng taste niyo! Ews!
"Ghourl, t-tingnan mo!" Lumingon ako kay Isha na nanlalaki ang mata na nakatingin sa likod ko,
"Ano ba? May multo ba?" Bwisit, ganitong nababadtrip ako dahil walang pogi akong nakikita,
"Wala, pero Prince Charming meron! Yung fafa na sinasabi ko sayo!" Naniningkit ang mata na tumingin din ako sa direksyon na tinuturo niya,
And there's a guy,
In his formal suit, paired with sunglass, walking confidently inside the room,
Napatanga akong sinusundan ang bawat kilos niya,
He looks familiar,
"Ghourl! I told you! Masarap yung bago nating amo!" Impit na tili ng nasa tabi ko, pero di ko siya tinapunan ng tingin, ang mga mata ko ay nasa masarap na putahe na nakahain sa harap ko,
Pinanuod ko lang ang bawat hakbang nito, lahat ay napatahimik ng tumigil ito sa harap ng mga share holders, tumayo ang mga share holders, maging kami para magbigay galang.
Sumenyas naman ng okay na at umupo, ganon din ang ginawa namin.
May iniabot sa kanyang folder at saglit lang na tinapunan ng tingin bago umikot ang mata sa loob ng silid,
Pigil hininga ang halos lahat at walang nagsasalita, walang gustong pumutol sa katahimikan,
Pero dahil bida bida ako, at gusto ko rin na makuha ang atensyon niya, tumayo ako,
Hindi naman ako nagkamali, dahil lahat sila ay tumingin sa 'kin,
"Jollibee talaga kahit kailan"
"Attention seeker, as always"
"lUh, papansin!"
Bulungan yan ng mga pangit na bubuyog, palibhasa hindi naranasan gumanda hmp!
Pero dapat tuloy ang acting,
"S-sorry, k-kasi ano may a-ano--" hindi ko na natapos ang sasabihin ng hinila ako pa-upo ni Isha,
Kunot noo ko siyang binalingan, namumula naman siya sa hiya na parang siya yung gumawa ng kalokohan,
"Tahlia, baliw ka na ba talaga? Meeting yung pinunta natin dito, hindi paglalandi!" Gigil na sabi nito at diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko,
"Ikaw lang, teh! Wag mo 'ko idamay, rest day ko ngayon, Kaya nandito ako para kumirengkeng." Hindi makapaniwalang napatampal ito sa noo, tinaasan ko lang siya ng kilay bago tumingin sa harap kung nasaan ang may matataas na tungkulin sa Corp.
Si Isha na ang humingi ng tawad sa lahat ng naroroon,
Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita,
Nilalaro ko ang ballpoint pen na nasa harap ko at walang pakialam sa paligid,
Nagumpisa na rin ang meeting, at dahil rest day ko, wala akong pakialam sa pinagsasasabi nila. Tutal bukas pa naman ang trabaho ko, bukas na 'ko magtatanong.
"Bakit kaya hindi niya tinatanggal yung sunglass niya?" Napatingin ako kay Isha na seryoso ang pakikinig sa harapan,
Tumingin din ako sa harap,
Oo nga 'no? Kanina pa nagstart yung meeting pero hindi niya man lang binababa yung sunglass niya,
Siguro duling 'to.
"Baka duling siya?"
Napalakas yata ang pagtatanong ko dahil lahat sila ay tumingin sa 'kin,
As in, LAHAT! pati yung bagong CEO!
"What?" Patay malisya kong tanong sa mga mata na nakatitig sakin, syempre nakaramdam na 'ko ng hiya, at dapat malakas parin.
"Do you have any problem?" Tumikhim ako at lihim na minura ang sarili, jusko ang bobo ko talaga!
"At sino ang duling?" Narinig ko ang pigil na tawa ng mga nasa loob, tumingin ako ng diretso sa CEO namin na hindi ko alam ang pangalan, kasi siya yung nagtatanong at pinapahiya ako! Grr!
"Ikaw, sir. Kanina pa kasi nagumpisa yung meeting pero hindi mo tinatanggal yang nasa mata mo, are you duling?" Seryoso lang ang tingin ko sakanya at nakakunot noo, ewan ba. Nawala bigla yung hiya ko at nakaramdam ng kuryosidad.
"Ms. Mercedes! You're talking to our CEO, show some respect!" Tumingin ako sa isang shonda na nagsalita, 'tong kulubot na 'to, paepal. Nagtatanong lang eh
"Let her, Mr. Mercado."
Nakarinig nanaman ako ng mga pangit na bubuyog sa paligid, at masyado akong maganda para pansinin sila,
Nanatiling nakapako ang mata ko sa CEO namin, kanina bet ko siya, pero ngayon mukha na siyang betlog para sa 'kin.
Humakbang naman 'to papalapit sa 'kin, pero di ko parin inaalis ang tingin ko kahit hindi ko nakikita ang mata niya,
Hindi ako nasisindak, sayang ganda!
Tumigil 'to sa harap ko na dahilan ng pagkurot ni Isha sa tagiliran ko,
Tiningnan ko siya ng masama,
"Ano ba?" Kainis, masakit kaya!
"Gaga ka talaga! Maguusap tayo mamaya!" Binalik ko ang tingin sa lalaking nasa harap ko ng dumukwang siya at pinatong ang dalawang kamay sa mesa na nasa harap ko, tinaasan ko siya ng kilay at nagcrossed arms
Ghourl, wag mo 'ko subukan, di mo kakayanin!
CEO ka lang, Dyosa ako!
"Ms. Mercedes, do you have an idea who am i?" Natahimik ako,
Alam ko CEO siya, pero ano nga ulit pangalan niya?
Kinalabit ko si Isha,
"Ano pangalan niya?" Mahinang bulong ko, kasi hindi ko alam sorry na
Nanlalaki naman ang mata niya na inusog palayo sa 'kin ang inuupuan bago tumingin sa CEO na nasa harap,
"S-sir, pasensya na p-po, hindi ko siya k-kilala.." kunot noo kong binatukan ang hampaslupa kong kaibigan,
Aba't kinahiya ako ng gaga!
"Mahiya ka nga!" Bulong nito bago umiwas ng tingin,
Tumikhim ako bago binaling ulit ang tingin sa harap,
"I see, you don't know me." Lumitaw ang ngisi sa labi nito na nakapagpataas ng kilay ko,
Pamilyar talaga siya!
"And you're not paying attention in this meeting, you know, i can fire you, right now Ms. Mercedes.. " Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa realisasyon.
OMG TAHLIA! NAPAKABOBO MO!
Mawawalan ka ng trabaho sa kagagahan mo!
"But because you caught my attention, i will give you another chance," nakahinga ako ng maluwag, tanging ang CEO lang ang nagsasalita dahil sa takot ng mga nasa paligid kaya't mas pinili na manuod nalang, "I don't have secretary yet.."
Napaawang ang bibig ko,
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi
makapaniwalang tanong ko,
Tumayo ito at inaayos ang nagulong suit,
"You'll be my secretary, you're capable of being one."
Dun lamang umingay ang paligid, at dun lang din nag sink in sa utak ko ang sinabi niya kaya napatayo ako sa gulat,
"Seryoso ka, sir?" Hindi ako makapaniwala syempre! Kung alam ko lang na sa pagiging barumbada ko eh aangat ang posisyon ko edi sana lahat ng nakakasalamuha ko binabara ko na di 'ba?
Edi sana CEO na din ako ngayon!
"I'm always serious." Hindi na 'ko nagsalita, s**t NA MALAGKIT! baka magbago desisyon eh.
Nagtaka ako ng hindi pa siya umalis sa pwesto niya,
"Sir? Nagbago na ba isip mo? Sabihin mo lang, malay mo ayaw mo talaga akong maging secretary, tatanggapin ko naman, lalo na kung gusto mo 'ko maging CEO, palit nalang tayo." Walang hiya kong suhestiyon, bakit ba? Hindi naman masamang sumubok,
Lalo namang lumakas ang tawanan sa loob, pati ang mga mashoshonda ay nakitawa na rin.
Hindi naman ako nagpapatawa!
Pero natahimik din ang lahat ng hawakan niya ang salamin na nasa mata niya,
"Once i let you see my eyes," sa hindi malamang dahilan ay napahawak ako sa dibdib,
Tila bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ng kaba,
"Be ready.." sagot nito at tinanggal ang sunglass,
Lahat ay napasinghap at hindi makapaniwala,
Samantalang ako ay laglag panga habang nakatitig sakanya.
Siya yun! Siya yung lalaki na nagmamay-ari ng luxury car!
Napaatras ako ng bigla siyang ngumisi,
Tila kumislap ang berde niyang mga mata bago tumalikod at lisanin ang silid,
Tulala akong napaupo at hindi na nakapagsalita,
Hindi ko na pinansin ang mga echosera kong katrabaho dahil hindi parin ako makapaniwala!
Sinasabi ko na nga ba, pamilyar siya sakin!
"Hoy gaga ayos ka lang? Nakalabas na sila, tayo nalang nandito." Hindi ako lumingon dahil nanginginig parin ako sa kaba,
Magiging secretary ako ng weirdo na lalaking yun?
No f*****g way!
"Ano ba nangyayari sayo? Kanina ang lakas lakas ng loob mo tapos ngayon mukha kang tanga na nakakita ng multo!"
"I-its him.." mahina lang ang pagkakabigkas ko, pero alam kong narinig niya yun kasi mas lumapit pa siya sakin at kumunot ang noo.
"Anong 'its him?'" nagtataka niyang tanong,
Lumingon ako sakanya at hinawakan ang dalawang kamay,
"Siya yun! Yung sinasabi ko sayo na dahilan kung bakit iniiwan ako ng mga naging boyfriend ko! Yung obsess sakin!"
Tinitigan ako ni Isha,
At humagalpak siya ng tawa na para bang may sinabi ako na nakakatawa,
"Tahlia, a-alam ko na p-pogi si Sir. Schneider, p-pero HAHAHAHHAHAHAHHA ang k-kapal ng mukha mo! Ngayon kapa nag day dream!" Sagot nito na nakahawak pa sa tiyan sa kakatawa,
Binatukan ko siya sa sobrang inis,
"Seryoso ako, gaga! Natatandaan ko yung mata niya, lalo na nung ngumisi, siya yun! Siya talaga! OMG, ano gagawin ko?" Binatukan niya rin ako,
"Ano gagawin mo? Gumising ka! Baliw kana, siraulo!" Tawa parin 'to ng tawa at naiiling na iniwan ako magisa sa loob ng conference room,
Ha! Kung ayaw mong maniwala, papatunayan ko sayo!
Sa ganda kong 'to, akalain mo nga naman na nakabingwit ako ng bilyonaryo? At hindi shonda cyst!
I'm so blessed!
Ngiting ngiti akong lumabas ng silid,
Fafa na bilyonaryo? Jackpot!
Ikaw ang dapat maghanda, lalo na't mukhang masarap ka pa, tiba tiba ako nito! Grrrr
--------