Napangiti siya nang makita ang mga building sa manila. Sinama kasi siya ni Kenzo, kaya mas lalo siyang natuwa. Sakto rin na may maidadahilan siya sa kaniyang grandpa na gusto niyang matuto pa ng tungkol sa wine. Dalawang buwan pala kasi si Kenzo maninirahan sa manila dahil maraming inaasikaso sa wine shop ng altaran. Mayroon ding bagong branch sa makati kaya doble-doble ang trabaho nito.
Hindi niya naman maitatanggi na magaling magtrabaho ang binata at hands-on ito sa business, kaya na rin siguro ginagawa itong supervisor ng winemakers pati na rin sa mga ganitong bagay ay pinagkakatiwalaan ito ng grandpa niya.
Dumeretso sila sa sariling unit niya rito sa manila, kinumbinsi niya kasi si Kenzo na roon sila tumira ng dalawang buwan dahil mas komportable siya sa sariling unit. Mabuti na lang ay pumayag ito.
"Pasok," sambit niya pagbukas niya ng pinto. She's proud to her unit kasi malinis iyon, may pumupunta naman kasi roon para linisin ang unit niya. Binili iyon ng ama niya para kong sakali maisipan niyang umuwi sa pilipinas may tirhan siya sa manila kong ayaw niya mamalagi sa hacienda.
"What's your agenda for today?" tanong niya rito habang pinapasok ang gamit na dala nila. Tinabi niya iyon at umupo sa sofa.
"I'll go to the new branch and i'll meet Glyzel in the evening." napairap naman siya nang marinig ang pangalan ng babae na 'yon.
"Kailangan pa ba? so, ako maiiwan dito ng dinner?"
"Yes, i'll be back after our meeting. Don't worry i won't be late." napanguso na lang siya dahil wala naman siyang magagawa. Nagulat naman siya nang agad itong lumapit at yumuko para haikan siya sa labi.
"Pout, and i'll kiss you." iniwas niya ang tingin dito at 'di mapigilan na hindi mapangiti. Parang gusto niya na atang laging nakanguso, tutal adik naman siya sa labi nito.
"You're blushing, what are you thinking?" umiling lang siya rito tiyaka tumayo.
"Anong oras ka aalis? pwede bang mag-lunch muna tayo?" tanong niya rito. Tutal nagugutom na rin siya dahil ala-una na ng hapon.
"Sure, let's eat at the restaurant." Hinawakan siya nito sa kamay bago sila lumabas ng unit. Mabuti na lang ay mayroong restaurant sa baba.
Nang makarating sila sa loob ng restaurant mabilis lang din sila nakapag-order dahil kaunti lang naman ang customer. Magiliw siya na kumain dahil gutom na talaga siya, paano ba naman parang kulang lagi ang kain niya tapos drain pa ang energy niya simula noong isang araw.
Napahinto siya sa pagsubo ng pagkain nang maalala ang ginagawa nila sa kotse ni Kenzo. Talagang tinotoo nito ang paghaplos sa kaniya, at buong katawan niya talaga ang hinaplos kaya kulang talaga siya sa energy.
"Eat, don't look at me like that. I might not go to the new branch and own you till midnight." Sinipa niya ito dahil sa sinabi, magkaharap kasi sila ngayon. Napalingon-lingon pa siya dahil baka may nakarinig sa kanila. Mabuti na lang ay medyo dulo ang pwesto nila at walang dumaan na waiter.
Pinanlakihan niya ito ng mata pero nginisihan lang siya. Pagkatapos nila kumain ay bumalik din sila sa loob ng unit. Kinuha lang ni Kenzo ang mga kailangan na gamit at umalis din ito agad.
Siya naman ay bored na dahil ilang oras niya rin hahantayin ang binata. Hindi na siya sumama sa new branch dahil marami pang inaayos doon at ayaw niya lang ng alikabok. Binuksan niya ang tv para libangin ang kaniyang sarili ng ilang oras pero wala naman siya sa-mood para manood.
Tumayo siya sa pagkakaupo at kinuha ang kaniyang shoulder bag. Nag-ayos lang siya saglit at sinuot ang kaniyang sandals bago lumabas.
Pupunta na lang siya sa mall para mag-shopping tutal kaunti lang ang damit niya at dalawang buwan pa sila rito. Nag para siya ng taxi nang may makita agad.
"Sa Diamonds Mall po, kuya." sambit niya sa driver. Tumutok naman siya sa kaniyang cellphone para i-text ang binata at pinaalam niya rito kong saan siya pupunta.
Nang makaratin sa mall pumasok agad siya at dumeretso sa mga shop. Bumili siya ng mga kong ano anong damit at nang mapahinto sa underwear section ay tumingin na rin siya. Napangiti siya nang may makitang underwear lace set. Mayroong white, black at red kaya binili na ang mga iyon dahil hindi siya makapag-decide ng kulay.
Siyempre kahit naman tatanggalin lang iyon ng binata sa katawan niya gusto niya pa rin pumorma.
Pag deretso niya sa cashier may pamilyar na babae siyang nakita. Sakto naman lumingon ito sa gawi niya at inismiran niya agad ito.
"Wow, you're here in manila?" pekeng ngumiti ito sa kaniya.
"Obviously, nasa harapan mo ako 'di ba?" pagtataray niya kay Glyzel.
"Huwag mong sabihin na sumama ka kay Kenzo?" tinaasan siya nito ng kilay. Ngumiti naman siya nang malawak.
"Of course, i'm with him. Nilalakad niya ang shop namin at ako ang mag mamay-ari no'n." Nagtitimpi lang siya pero gusto niya na sabihin na boyfriend niya ito at lubayan na ang lalaki dahil obvious naman na may gusto ito kay Kenzo.
Pero kung sasabihin niya man na boyfriend niya ito, kahit hindi naman, baka magsalita sa grandpa niya, mahirap na baka mapaglayo pa sila.
"Magkasama ba kayo sa iisang bubong? balita ko dalawang buwan si Kenzo rito," inirapan niya ito dahil sa panguusisa sa kaniya.
"Ano naman kung magkasama kami?"
"Don't get mad at me, kid. Sasabihin ko lang naman na hindi ko siya papauwiin mamaya, you know, adult stuff." naikuyom niya naman ang kamao niya dahil sa sinabi nito.
"Are you blind? do i look like a kid to you? I'm f*****g 24 years old, b***h!" singhal niya rito. Talagang iniinis siya ng babaeng ito.
"Really?! your body is not that sexy, wala ka ring ka-appeal appeal. For sure hindi ka gugustuhin ni Kenzo." bumuga siya ng hangin at pilit na pinapakalma ang sarili. Gusto niya na talaga ito kalmutin at sabunutan kong hindi niya lang naisip si Kenzo na magagalit sa kaniya.
Tinulak niya ang shopping cart niya at sinigurado niyang mababangga ang paa nito.
"You b***h!"
"Oops, sorry. Mapapatayan ka pa ata ng isang kuko, pero 'wag mo na rin masyadong isipin 'yan dahil mukhang mas matanda pa ang paa mo kaysa sa edad mo." Nakita niya ang pag-awang ng labi nito kaya mabilis niyang nilagpasan ito at nagbayad na sa cashier.
Hindi pa rin mapalagay ang nararamdaman niya hangga't sa masabunutan niya ang babaeng iyon. Hindi niya makalimutan ang sinabi nito na hindi papauwiin si Kenzo.
Bakit ba kasi ang guwapo ni Kenzo? hindi lang guwapo, mabango at matipuno pa. Parang marami ata akong kaagaw sa kaniya?
Pagkatapos niya magbayad kinuha niya lahat ng paper bag niya na may laman ng mga pinamili niya. Tumingin pa siya sa salamin at nagpasiya na pumunta sa salon.
Tutal hanggang dinner naman siya walang kasama, lilibangin niya na ng lubos ang kaniyang sarili at sisiguraduhin niyang mas gaganda siya sa araw na ito.
Pumasok siya sa isang kilalang salon at sinalubong naman siya ng mga babae.
"Magandang hapon po ma'am,"
"Trim my hair, and cut my nails. Can you recommend a hair color for me?" Umupo siya sa upuan kong saan siya gugupitan.
"Hmm, bagay sa'yo ang ginger hair color ma'am!" singit ng bakla sa gilid niya. "Tapos i-perm natin ma'am para mas umalon ang buhok niyo. Seductive look, ganern!" pumalakpak pa ito habang tinitingnan siya.
"Do what you want, siguraduhin mo lang na mas magiging seductive ako sa gagawin mo. I'll give you a big tip." Kuminang ang mata ng bakla at pumalakpak ulit ito.
"Ako ang bahala sa'yo madam," kinindatan siya nito bago simulan galawin ang buhok niya.
Sisiguraduhin kong hindi ako pagsasawaan ni Kenzo, dahil kahit mas malaki ang dibdib at pwet mo Glyzel, mas maganda pa rin ako sa'yo!