Chapter 18 - HIS POV

1563 Words
Tinungo ni Kenzo ang opisina ni Glyzel, gusto niya itong tanungin ng harapan. "Omg, i didn't expect that you're the one who will go here to see me," tuwang-tuwa na sambit ni Glyzel at hinawi pa ang buhok niya. Wala namang makikitang emosyon sa mukha ni Kenzo, nagtitimpi ito dahil ayaw niyang patulan ang babaeng kaharap niya. "Did you use my phone?" deretsong tanong niya sa dalaga. Natigilan naman si Glyzel at napaiwas pa ng tingin. "O-of course not! I didn't use it!" tanggi nito at tinalikuran ito para umupo sa swivel chair. Kenzo licked his lower lip and brushed his hair using his fingers. He don't want to threat her but he don't have a choice. "I'll ask you again, did you use my phone?" tanong niya muli rito. "No! I swear—" "Okay. I'll pull my shares to your business," ma-awtoridad na sambit niya rito. Halatang nagulat ito sa nagawa niyang desisyon dahil napatayo muli sa pagkakaupo si Glyzel. "What?! no way, Kenzo!" "I can do whatever i want, Glyze. You're aware of what I am capable of," tumalikod siya rito pero bago pa siya makalabas ng opisina nito ay muli siyang nagsalita. "Don't lie in front of my face, it make me puke." Tuluyan na siyang lumabas doon kahit narinig niya pa ang pagtatawag nito sa kaniya. This is the reason why he is not that friendly to people he met, some of them are true and some of them are fake. Sumakay siya sa bmw niya at dumeretso sa kaniyang opisina. Mayroon pa siyang mga importanteng meeting at habang may libreng oras siya ay nag-iisip na siya kong anong dapat gawin para hindi na magalit sa kaniya si Lauren. Sa una ay hindi niya talaga ito maintindihan, wala siyang alam sa sinasabi nito pero nang maalala niyang naiwan niya ang phone sa table nila noong nasa club sila ay naisip niya agad na si Glyzel ang gumawa no'n. Lauren and Glyzel are enemies because of him. He knows that Glyzel is into him. Sinabihan niya na ang babae na hanggang kaibigan lang ito at hindi niya ito gusto bilang isang babae. Pagkatungtong niya sa kaniyang opisina ay nakita niya roon ang kaibigan na si Danilo. Matagal niya na ito kaibigan at ito rin ang tumutulong sa kaniya sa mga plano niya. "You look so pissed, what happened?" salubong na tanong nito. Umupo muna siya sa swivel chair niya at ginamit ang intercom para utusan ang sekretarya niya na bilhan siya ng kape. "How can I make her stop being mad at me?" he sighed out of frustration. "Is it Lauren?" natatawang tanong ng kaibigan. "Akala ko ba itataboy mo siya dahil hindi ka ang lalaki para sa kaniya?" "I'm doing it, that's why i'll get our child after she give birth. She can freely love someone without nuisance." "What a f*****g reason, bro. It's your descision but i think your heart is not cooperating with your mind," naiiling na sambit nito. Tiningnan niya ito ng seryoso, dahil hindi niya ito maintindihan. "Wow, hindi talaga ako makapaniwala na may kaibigan akong walang kaalam-alam sa pagibig. You never been in love because of your revenge, you're too focus on the past, bro. Yes, i did support you on your revenge because it is partly right thing to do, kailangan din magbayad ng mga kasalanan si Azunto Altaran pero 'yong idamay ang apo niya?" umiling-iling ito. "Hindi ko siya dinadamay, i already told her that i'm not into a serious relationship—" "Because you don't know what is the feeling of being in love!" natigilan sila pareho nang pumasok ang sekretarya niya at nag-abot ng kape. Tinanggap niya agad iyon at ininom. Kailangan niya ng maiinom dahil marami na siyang iniisip. "I feel bad, i don't know what i really feel for her. I want her to find a man who will love her and protect her." Kumirot ang puso niya nang maisip niya iyon at hindi niya alam kong bakit. "Sa tingin ko ikaw ang may problema! you feel bad because you are the reason why his grand father is at the jail. Kaya iniisip mo hindi ikaw ang para sa kaniya, but the question is..." Lumapit ito sa kaniya at tiningnan siya ng mabuti. "Is it really okay to you, if she finds a man the she will love forever? Is it really okay to you if they make love— tangina!" napatayo ito nang tumalsik ang laman ng iced americano na hawak niya. "Bakit mo pinisil 'yong cup? para ka namang gago, tingnan mo ang damit ko! Bigay sa akin 'to ng mahal ko!" binaba niya ang damit at tiningnan ang suot na t-shirt nito. "it's not branded," "Eh ano naman?! bigay sa akin 'to ni Jamaica at pinaghirapan niya ang pera na pinangbili niya rito!" gigil na sambit nito sa kaniya. Pinasadahan niya ng tingin ang desk niya pati na rin ang damit na suot, puro mantsa na iyon. "Bayaran mo 'to! ikaw ang gagastos ng date namin sa cruise at dapat solo namin 'yon!" Hindi niya na ito pinansin at tumayo para dumeretso sa may comfort room niya, meron sa loob na cabinet at may laman iyong tatlong extra suits niya at mga polo, magpapalit muna siya dahil malapit na ang meeting niya. Pagkatapos niya magpalit ay tuluyan na siya nawalan ng sa-mood. Umalis na rin si Danilo dahil nakuha na nito ang gusto, kinontak niya na kasi ang kakilala niya para mag-reserve ng buong cruise ship para lang sa date ng kaibigan. Mabilis lang lumipas ang oras at nang matapos ang unang meeting niya ay tinanong niya ang sekretarya niya kong ilan pang meeting ang dapat niyang puntahan. "Dalawa na lang po, sir. Meeting with Diamond Mall's marketing head and last one is with ma'am Glyzel po," paliwanag nito habang sinusundan siya papasok sa office. "Cancel the meeting with Glyzel's company, i'll also pull my shares to them and don't answer their calls." "Noted sir." Pagkaupo niya ulit sa swivel chair niya at napatulala na lang siya nang maalala ang sinabi ni Danilo bago ito umalis kanina. "Matagal ng durog ang puso mo dahil sa pagkawala ng mommy mo, kaya 'wag mo ng sayangin 'yong nandiyan at nagmamahal sa'yo. You think you're not the one for her because of the past until now, but what about her? Do you believe she still considers the past? I think no, despite the fact that you two have serious problems, she still loves you. Minsan dapat pinaglalaban din ang pagmamahal." Bumuga siya ng hangin at tumayo, kinuha niya ang gamit niya at mabilis na lumabas ng opisina. "Cancel the meeting, i have more important things to do," sambit niya sa sekretarya at nilagpasan ito. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang ground floor kong nasaan naka-park ang bmw niya. He doesn't want to regret later, so he'll confess now. Ayaw niya itong mawalay sa tabi niya at mas lalong ayaw niyang mapunta ito sa ibang lalaki. He's not perfect at kong tatanggapin o hindi man siya tanggapin nito ay ipipilit niya ang sarili. I will f*****g forget the past, just to be with you, Lauren... I'm sorry for hurting you... I'm sorry because it's really late for me to realize that i love you too, that this feeling is love... Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan patungo sa bahay. His heart start to beat faster than normal. Kinakabahan siya at hindi niya alam kong paano aamin sa dalaga. Marami na siyang 'what if' na naiisip pero pinilit niyang kumalma at maging positibo. Inaamin niyang marami siyang ginawa para masaktan ito at itinaboy niya pa, pero hindi niya talaga kaya. Ayaw niya ng lokohin pa ang sarili niya. Matagal na siyang nasasaktan at ito na siguro ang magiging dahilan niya para mag-move on at maging masaya ng tuluyan. After his mom died, he's not happy at all. He's happy with his true friends but it's still feel empty. Gusto niya muling sumaya, 'yong totoong saya. Pinark niya ang kotse niya sa garahe at pumasok agad sa loob ng bahay. "Where's Lauren?" tanong niya kay Erna. Kumunot naman ang noo niya nang nagtinginan ang kambal na parang may tinatago. Nilagpasan niya na lang ito at tumungo sa kwarto ni Lauren pero laking gulat niya na wala na ang mga gamit nito roon. Wala ang maleta nito na nasa gilid lang kaya dali-dali niyang binuksan ang kabinet pero wala na roon ang mga damit ng dalaga. Parang binuhusan siya ng malamig. "S-sir K-kenzo, umalis na po si madam..." Nilingon niya si Irna na parang kinakabahan at maiiyak. "Why... why did you f*****g let her leave?!" mariin na tanong niya sa dalawa na nasa harapan niya na. "Ako po ang may kasalanan sir Kenzo! tinulungan ko po si madam makaalis, 'wag niyo po sigawan ang kapatid ko," nakayukong sambit ni Erna sa kaniya. Napahawak naman siya sa kaniyang noo at pilit na pino-proseso ang nangyayari. "Umiiyak po siya, nasasaktan po siya dahil may iba kayong babae. Naawa po ako kay madam, nagmahal lang naman po siya pero bakit siya pa ang nasasaktan ng husto?" Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ni Erna. "What are you saying?" "May nag-send po ng pictures kay madam, 'yong pictures po ay kayo ni ma'am Glyzel papasok ng motel." Naikuyom niya ang kamao niya. Hindi siya pumapatol ng babae pero mukhang ngayon ay papatol na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD