"Stephanie! Ano bang balak mong gawin sa buhay mo?! Ikaw na naman ang laman ng balita! Kailan ba ako gigising nang walang bumubungad sa akin na kahit na anong masamang balita tungkol sa 'yo?" Napapikit na lamang ako habang sinisermonan ni Daddy.
I don't have any explanation about what happened. Kitang-kita naman sa cctv na ako ang sumunog sa artwork nung kaklase ko.
It's not my fault, though. He keeps on bugging me, that's why i burn his artwork. Sana lang tumigil na siya dahil sa ginawa ko.
"I'm sorry, Dad. Pero kasi kinukulit niya ako, eh." Ani ko at umakto pang malungkot.
Ayokong magpatuloy pa 'yung panenermon sa akin ni Daddy, 'no! May party pa ako with my friends, ayokong ma-late!
"Hindi mo ako madadala sa mga arte mo, Steph. How many times do i need to tell you na magpakabait ka?! Bakit ba lagi mo akong binibigyan ng sakit sa ulo? Steph, you're 18 years old. Nasa legal na edad kana pero kung umakto ka para kang 14 years old!"
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi ni Dad. What the hell?! Sinabi niya ba talaga sa akin 'yon? This is why i hate being with him! Palagi niya na lang akong sinisermonan.
"Are you saying that i'm immature, Dad?!" Nagpipigil sa galit na sambit ko dito.
I don't care if he hates me because of my attitude. I just wish hindi namatay si Mommy para may kakampi ako. Gosh!
"Yes, Steph! You need to improve! You need to stop all of your childish act! This time, if you will not obey me, i have no choice but to kick you out of this house." Ani nito bago umalis sa hapag at umakyat.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Really, Dad?! You will kick me out of this house?! Me?! Your daughter?! Gosh! How i wish na sana ikaw na lang 'yung wala ngayon at si Mommy na lang sana 'yung nandito!" Sigaw ko ngunit hindi man lang ito lumingon.
Napasabunot na lang ako sa sarili ar sumigaw.
This is so frustrating! Gosh!
Wala na akong nagawa kung hindi ang ipagpatuloy na lamang ang pagkain. Ayokong magutom just because of what happened. Kahit ano namang mangyari, hindi ko pa rin siya susundin.
*****
"Steph, anong susuotin mo mamaya? I have no idea pa kasi kung anong susuotin ko, eh." Bungad sa akin ni Mika nang sagutin ko ang tawag niya.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Wala akong planong mag stay sa baba, baka sermonan na naman ako ni Dad. Nakakarindi kaya!
"Hindi pa ako nakakapag decide kung anong susuotin ko. Naiinis pa kasi ako kay Dad. He's always mad at me!" Sabi ko bago humiga sa aking kama.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Mika sa kabilang linya.
"Well, mali naman talaga 'yung ginawa mo. Sinunog mo kaya 'yung pinaghirapang artwork ni Gino. Sobrang hirap kayang gumawa non."
Napairap na lang ako sa sinabi ni Mika. I'm right, they will never understand me.
"Ginugulo niya ako, Mika. He deserves it!"
"Ano man ang ginawa niya sa 'yo, hindi non magagawang tama 'yung pagkakamaling nagawa mo. Sana pinaalis o pinatigil mo na lang siya. Kung ayaw tumigil edi isumbong mo sa Dad mo."
Wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik. Tama naman kasi siya, mali talaga ako kahit saan tignan. Masyado lang siguro akong nadala ng emosyon since naiirita ako kay Gino.
"Goodbye na, Steph! Kita na lang tayo sa party mamaya." Ani ni Mika bago patayin ang tawag.
Napahinga na lamang ako nang malalim matapos ang naging usapan namin. I never admit that i was wrong.
I always want to be right, eventhough my perspectives are wrong.
Bumangon ako sa aking higaan at binukan ang aking closet.
Ikinalat ko ang aking mga damit sa higaan. Gusto kong makuha ang atensyon ng mga tao sa party. Hindi ako pumayag na pumunta don para uminom lang.
Ngumisi ako nang makita ko ang isang dress.
Hmm, let the party begin.
*****
Tahimik na sala ang bumungad sa akin habang pababa ako ng hagdan. Tanging ang tunog lang ng 6 inch black heels ko ang naririnig.
Well, mas maganda na ang ganito. Kaysa naman makita na naman ako ni Daddy at sermonan.
I'm so tired of hearing his loud voice.
Nang makababa ako ay agad akong dumiretso sa aming main door. Bubuksan ko na sana ito at handa nang umalis nang biglang dumagundong ang boses ni Dad sa tahimik na sala.
Again?! Oh, please! Not now! Mal-late na ako sa party namin, gosh!
"And where do you think you're going?!" Iyan lang naman ang sinabi ni Dad. Mali pala, isinigaw pala.
Walang buhay akong tumingin dito.
"Dad, may party ako with my friends. Mal-late na ako kung sesermonan mo pa ako. Aren't you tired of screaming at me?"
Tumaas naman ang kilay nito. Hudyat na hindi ito sumasang-ayon.
Nanlulumo na lamang akong napatingin sa aking relo. Hindi pa ba siya tapos sa kakasigaw? Mal-late na ako!
"Dad, pwede ba pag-uwi ko na lang, tsaka mo ulit ako pagalitan? I really need to go. I'm going to be late kung ngayon mo ako ulit sesermonan."
Ngumiti ito sa akin.
Oh, please! Sana na-convince ko siya!
"Hindi naman kita pagagalitan, Iha. Gusto ko lang sabihin na grounded ka, kaya hindi ka makakalabas."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito.
"What, Dad? Seriously? You're unbelievable! Hindi ko naman kasalanan ang nangyari, ah?"
I'm mad, really mad. How could he do this to me?! It's not my fault!
Fuck! I hate him!
"I've got nothing to say about that matter. Hindi na natin kailangang pagtalunan pa ito. Grounded ka, kaya hindi ka pwedeng lumabas at gumamit ng mga gadgets mo. Kailangan mong matuto na pagbayaran ang mga nagawa mong kasalanan. Your classmate is crying because of what you did. Handa na sana siyang ibenta ang kaniyang artwork. Kailangan niya ng pera para sa pamilya niya, at dahil sa katulad mong spoiled brat, nawala 'yung pera na dapat sana ay kikitain niya na."
Wala na akong nagawa, kaya naman umakyat na lamang ako sa aking kwarto.
Nakakainis! Bakit ba hindi niya ako maintindihan?! Hindi ba siya concern sa akin? Ginugulo ako ng lalaking 'yon! He keeps on giving me chocolates and love letters. Tf?! I don't need those things!
Ininis niya ako kaya sinunog ko ang artwork niya.
Humiga na lamang ako sa kama, nagbabalak na matulog buong araw.
Wala naman akong magagawa, eh. I'm f*****g grounded! Okay lang sana kung hindi niya ako palalabasin, pero pati gadgets ko, kinuha niya?! He's so cruel, f**k!