Una

508 Words
"Eida!" Nag-angat si Eida ng mukha mula sa binabasa n'yang notebook. Kakakuha lang kasi n'ya ng schedule of class for this semester. Nakita niya si Yuri, ang bestfriend n'ya. "Oh, ikaw pala, Bes! Ang akala ko ba ay bukas ka pa pupunta dito para tingnan ang schedule mo?" tanong ni Eida sa kaibigan. Nag-text kasi ito kanina na hind ito makakasama ngayon dahil may biglaaang lakad daw ito kasama ang nobyo nito. "Badtrip si Kiyo eh! Pabago-bago ng isip. Bwisit!" inis na sabi nito. Si Kiyo ang boyfriend ng kaibigan at matagal narin ang relasyon ng mga ito. "By the way, how's your sched.? Okay naman ba ang oras?" tanong nito. Napasimangot naman si Eida. "Asar nga eh! May pang gabi akong klase. 8:00-9:30 PM, PolSci." nanlulumong sabi n'ya sa kaibigan. Nagcheck na s'ya ng ibang available time ng profesor na 'yun at halos lahat ay may conflict sa schedule n'ya. Part time lang kasi ng prof. nila na 'yun ang pagtuturo dahil isa itong abogado. "Naku! Pa'no iyan, Bes? Edi kailangan mo palang umupa ng boarding house d'yan sa malapit?" tanong ni Yuri sa kanya. Alam nitong bad news para sa kanya 'yun dahil working student lang s'ya at nagtitipid. Maya-maya ay kinalabit s'ya nito nang may maalala. Nakangiting hinawakan nito ang balikat n'ya habang hinaharap ito. "Ay, Bes! Alam ko na!" nagniningning ang matang sabi nito. Napakunot naman ang noo ni Eida. Alam n'yang maabilidad ang kaibigan pero wala s'yang tiwala sa ibang suggestions nito. "Naku, Yuri.. Siguraduhin mo lang na maganda ang sasabihin mo," sabi n'ya sa kaibigan. Tinaasan naman s'ya ng kilay ni Yuri. "Gusto mong makatipid 'di ba?" sabi nito na nakahawak parin ang dalawang kamay sa balikat n'ya. Tumango agad s'ya kahit mayroon pa ring pagdududa sa suhestiyon ng kaibigan. Kilalang kilala talaga s'ya ni Yuri. Alam nito na mag-isa n'ya lang na isinasakripisyo ang pag-aaral n'ya. "Oo, pero—" "Bed Spacer," hindi na s'ya pinatapos ni Yuri sa pagsasalita dahil alam nitong puro ka-kuriputan lang ang sasabihin n'ya. Nanlaki ang mga mata ni Eida. Bed Spacer? Hindi! Hindi n'ya kayang makasama sa isang kwarto ang mga taong hindi n'ya kilala! Oo nga at mura ang renta kumpara sa renta sa boarding house pero kasi... "P500 lang monthly, kasama na doon ang tubig at kuryente. Naku, Bes! Sobrang tipid na nun, ano ka ba?!" dagdag pa ni Yuri. "Katabing-katabi lang naman ng boarding house namin 'yun kaya makakasama mo naman ako, Bes!" Saglit na nag-isip si Eida. P500 per month at kasama na ang tubig at kuryente? Bihira na ang ganon kamurang renta kahit bed spacer ka lang. Kinalimutan na n'ya ang kung ano-anong pumapasok sa kokote n'ya at tumango sa kaibigan. Nakita naman n'yang nagliwanag ang mukha ni Yuri. "Naku, Bes! Hindi ka magsisisi. Malinis at tahimik pa ang lugar na 'yun!" pangungumbinsi pa ni Yuri sa kanya. Napangiti naman ng alanganin si Eida. Sana nga.. Sana nga ay maayos ang maging pagtira n'ya sa bahay na 'yun at sana din ay maayos ang mga magiging kasama n'ya sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD