Nasemento ang mga paa ni Shayna sa sahig nang makita ang pagdidikit ng mga labi ng dalawang tao na kanina pa niya tinitignan. Bigla siyang gininaw at nanigas ang kanyang buong katawan. Muntik na siyang mapatalon nang may mga kamay na humawak sa kanyang braso. Nakanganga siyang napalingon sa taong humawak sa kanya. Nakita niya si Kaia na nakatingin din kina Carson at sa babaeng kahalikan nito. Nang muling bumaling ang tingin niya sa dalawa ay magkahiwalay na ang mga ito at masinsinan nang nag-uusap. "Tignan mo. Sobrang nag-aalala ka kay Carson mula pa kanina but he can take care of himself well. Ayan nga at nakakita na siya ng taong sasamahan siya kahit na wala tayo," sabi ni Kaia sa kanya nang muli niya itong nilingon. "Ma'am... kilala mo po ba iyong babaeng kasama ni Sir?" pagtata

