"How's your day?" Napangiti si Kaia sa tanong na iyon ni Carson. Pakiramdam niya ay concerned ang asawa sa kanya. "Actually, it was good. Ginawa akong assistant ng secretary ni Dad," nakangiting saad niya sa asawa. "That's great, Kaia. I'm sure kapag trained ka na ay saka ka binigyan ng Dad mo ng mas mataas na posisyon," saad ni Carson habang patuloy na nagmamaneho. "Yeah, I'm hoping so. How about you? How's your day?" tanong niya habang pinapanuod ang pagmamaneho ni Carson ngunit nagtatagal ang tingin niya sa mukha nito. Alam ni Kaia na mabigat ang posisyon ni Carson sa kumpanya mg pamilya nito. Marami itong ginagawa at inaasikaso para paluguran ang ama. But looking at her husband now, tila hindi ito napahod sa maghapong pagtatarabaho. He still looks dashing. Kanina ngang sunduin

