Chapter 5

2300 Words
"Uy Cristal!" sigaw ng isang babae sa likuran ko. "Hoy Aliah" sigaw ko ring pabalik. Nang maka punta kaming shore kanina ay marami nang taong mga nagsusulpotan dahil makikipicture daw. May mga ano rin--mga nakiki feeling close saakin na parang hindi ako jinudge noon ganun. May mga umaakto rin na parang kilalang kilala ako tapos meron ding kilala ako pero hindi ko naman kilala. "Kaanu ka pay ditoy?" tanong niya tsaka lumapit saakin. Trans: Kailan ka pa dito? "Kanina lang, sika? Kammok man adda ka manila?" hinawakan ko ang pulsohan ni Von para hindi siya malayo saakin. Trans: Ikaw? Akala ko ba nasa manila ka? "Idi nak pela bakasyon ditoy balla, agsubli kami tun gumani pinagbabasan" Trans: Noong bakasyon pa ako dito baliw, babalik kami pag malapit na pasukan "Dito ka muna ha, tagal kitang hindi nakita at nakasama" aya ko sakanya kaya umupo naman siya sa tabi ko. Isa siya sa mga kaibigan ko mula grade 7 kami. Nakipaglaro naman siya kay Von habang nagkukwentohan. "Ammom ba, Tinilpak ko tay meysa nga classmate ko idi ta inbaga na pangit ka kanu" pagku-kwento niya saakin. Napaka Brutal naman neto. Trans: Alam mo ba, Sinampal ko yung isa kong classmate noon dahil sabi niya pangit ka raw "Balla ka, dim kuma latta binay bayanen" Trans: Baliw ka, dapat hinayaan mo nalang "Ay madik itulek nga pagsaw-saw an daka't kasjay iti sangwanak" palaban talaga to e, walang pinapalampas. Basta right niya pinaglalaban niya. Baka bestfriend ko yan Trans: Ay hindi ako papayag na pagsalitaan ka nang ganun saaking harapan "Ay pagbasaam gayam?" tanong ko sakanya dahil baka malapit lang sila saamin at para may kasama naman ako no. Trans: Ay saan ka nga pala mag-aaral? "Dijay nak Avalior isu inbaga ni mamang ko ta dijay da nagbasa ken daddy kanu idi" sabi nito na itinutuloy ang paghuhukay ng buhangin kasama si Von. Trans: Doon ako sa Avalior sabi ng mama ko da doon sila nag-aral ni daddy noon "Aliah anak, tara na" tawag ni tita Aria sakanya kaya nagpaalam naman na agad si Aliah saamin ni Von, kinawayan ko rin ang mommy at daddy niya dahil close naman kami. "See youu" sigaw ni Aliah saakin habang tumatakbo patalikod. Halos ilang buwan na rin mula nung maka uwi kami dito galing Claveria. Minsan nalabas ako sa mga Vlog nila pero hindi naman tumatagal iyon pwera doon sa surprise nila saakin nung Birthday ko. Ang sabi nila ay kukunin ko lang daw yung delivery ni ate Via sa may gate pero cake ko pala iyon at yung kunyareng delivery man ay ang papa ko.Binigyan pa ako ng bunggang party dito sa bahay, bungga na iyon para saakin dahil pag nagbi-birthday naman ako ay mga pinsan ko lang at mga kamag anak namin ang kasama ko pero masaya naman ako dun ha! Hindi ako nagrereklamo. Halos ilang linggo din sina papa dito at halos araw-araw na dito ang papa nina kuya Coln dahil sinusulit daw nila ni papa na magkasama sila. May mga edit na nga rin na ginagawa saakin sa t****k. Naa-appriciate ko naman iyon at nung nalaman ni kuya Coln na may mga ganun ay pinag sabihan niya ako na kahit nakikilala na ako ay dapat maging humble parin, yung mga effort ng mga umiidolo kuno daw saakin ay dapat sa puso galing yung appriciation at hindi lumalaki ang ulo. ''PAA SA LUPA, MATA SA LANGIT''-Cong Tv "Cristal!!" pag tawag ni ate Via saakin tsaka siya kumatok saaking pintuan. Dali-dali naman akong pumunta sa may pintuan tsaka ito binuksan. "Bakit po?" magalang kong tanong "Wala kang klase no?" mahinahong sabi nito. "Wala naman po ate" "Ay mabuti, halika kain tayo doon sa balcony" pag-aaya nito saakin. "Sige ate sunod ako, ililigpit ko lang tong mga gamit ko" sabi ko naman "Sunod ka ha, sayang yung para sayo pag hindi ka sumunod" pagbabanta nito saakin. Pagka sarang-pagka sara ng pintuan ay dali-dali akong nagpalit ng pajama kase naka shorts ako kanina at bago ako lumabas ng kwarto ay pinatay ko na iyong aircon kase sayang sa kuryente. "Andito na si Ms. Scholar" pagbibirong tawag saakin ni ate Tricia na isa sa mga big bosses ng Team Payaman. Ms. Scholar din kase tawag ng iba saakin lalo na ng mga TP Boys. Grabe, magmemerienda ako kasama ang mga TP Girls, char ang oa kala mo naman first time HAHAHAHHAHA. "Eto sayo Cristal" paga-abot ni ate Vera saakin sa isang paper bag ng McDo saakin. PUNONG YUNG PAPERBAG!! Siguro noong makita ni ate Via kung bat ako nagtataka at nasurpresa kung saakin ba talaga lahat yung McDo. "Sayo lahat yan ha" "Eh hindi ko naman ata to mauubos lahat ate" "Edi pang merienda mo na ulit mamaya" Binuksan ko iyong paper bag at ang mga laman nito ay nuggets, burger&fries, spaghetti at chicken. "Mag pray na muna tayo bago kumain" sabi ni ate Valerie. "Mommy!!" sigaw ng isang bata galing sa isang kwarto. Napatigil kaming lahat at nagtinginan kami ng aking mga kasama dito sa balcony na kumakain. "Hay naku, gising na yung anak ko" tarantang sabi ni ate Vera. Iniwan niya ang kanyang pagkain sa lapag tsaka tumakbong kinuha si Von. "Mommy I'm hungry na" rinig kong sabi nito na buhat-buhat ni ate Vera at patungo na sila dito saamin. Sa pwinestuhan namin ngayon ay isa sa mga magandang tambayan dito sa taas ng mansion. OO MANSION!! Flex ko lang, charot. "Hello" bati ng mga kasama ko nang maibaba na ni ate Vera si Von tsaka nito kinuha ang pagkain ng kanyang anak. "Hello po, I'm Hungry na" sabi naman ng bata tsaka kinukuskos ang kanyang mata gamit ang bimpo nito mula baby na hanggang ngayon ay ayaw niyang mawala sakanya. Halos sira sira na nga rin yung bimpo. "Eto na anak, kain ka na halika na" pag-aaya naman ni ate Vera sa anak, pinanood ko lang kung paano alagaan ni ate Vera ang kanyang anak. "Ako na mommy" pag pi-prisinta ni Von nang subuan sana siya ng kanyang mommy. "Wag kang mag kakalat ha?" paalala nito sa anak at tumango naman si Von. "Ate Cristal, tabi tayo" tumayo ito tsaka siya lumipat sa tabi ko, inayos ko naman ang aking inuupuan na mat tsaka ito inakay pa-upo. "Ang cute niyo talagang tignan, parang mag ate na ini spoiled yung bunso" sabi ni ate Valerie, lagi niya sinasabi ito saakin kaya napapa ngiti nalang ako pagnai imagine ko yung itsura namin ni Von. "Pag ako nagka anak Cristal, gusto ko malagaan mo rin siya ha?" sabi ni ate Via saakin. "Kailan ba yan ate at nang mapag handaan ko" pabirong sabi ko kaya naman natawa sila. "Siguro pag nasa tamang panahon na, na babasbasan tayo ng diyos diba?" naka ngiting sabi ni ate Via tsaka siya uminom ng coke. "Sabihin mo kase kay kuya gawa na kayo" sabi naman ni ate Tricia "Ay pag ako maga-anak na Tricia, gusto ko ikaw magpa anak saakin" "Sige sis, guntingin ko tiyan mo" pabirong sabi ni ate Tricia. "Si Coln kase e, puro Valorant. Kung ako sana niraratrat niya ngayon edi sana may mabuo na ulit kami diba?" hindi ko alam kung biro pa iyong sinabi ni ate kase kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Sana makakbuo na ULIT sila. Naka buo naman sila nun, kaso nakunan siya. Isang linggo niya lang naramdaman yung saya niya bilang buntis kaso ayun nga, nawala. "Pag may nawawala, may kapalit yan. May plano pa siguro ang diyos para saamin ni Coln at tignan mo naman ngayon andito na si Cristal parang may anak na rin kami ni Coln at hmm Grade 11 agad" "Hayaan mo ate, ipag pa-pray ko na sana magka baby ka na" sabi ko. "Yeyy tita Via's baby!" masayang sabi ni Von tsaka niya binitbit ang kanyang pagkain at inalalayan ko naman ito sa pagtayo. Lumakad ito patungo kay ate Via tsaka niya ito hinalikan sa pisngi. "Hay naku napaka cute mo talagang bata ka" naiiyak na sabi ni ate Via kay Von tsaka niya ito ibinaba ang kanyang pagkain at niyakap si Von. Nang nararamdaman kong naiiyak din ako at nao ovewhelm sa mga nangyayari ay binaling ko ang aking paningin sa may swimming pool, oo kita dito ang swimming pool dahil ang diding ng balcony na to ay salamin, kaya kitang kita talaga. Klode's P.O.V. "Ikaw Klode? May kailan mo balak magka jowa?" Tanong ni kuya Coln saakin tsaka niya itinutok ang camera saakin. Nandito kase kami ngayon sa tambayan na side ng swimming pool habang nagvo-vlog si kuya Coln. "Ay yan ang hindi ko alam, hindi pa naman ako inlove e" "Paano ka mai-inlove e puro ka Kpop" pambabara ni kuya Bryce "Pero seryoso?" tanong ni kuya Coln saakin. "Hindi pa kuya, Kaya kung may kilala kayo guys. Ipakilala niyo saakin" biro ko sa Camera kahit ayuko naman ng mga reto-reto na yan. "Aba ginamit mo pa followers kong hayop ka" "Yung nasa taas ayaw mo?" tanong ni kuya Kaleb saakin. "Sinong nasa taas?" tanong ni kuya Coln "Si Cristal" deretsohang sabi ni kuya Miguel "Ay gago, wag ang anak ko! Tangina mo ha! Wag na wag mong malalapitan ang anak ko" sabi ni kuya Coln kaya naman nagtawanan sila. "Sabi niya saakin bosing maganda daw siya, gabi-gabi niya sinasabi" pag-gagawa ni kuya Kaleb ng istorya kay kuya Coln. Napa-ayie naman silang lahat kaya napa kamot nalang ako ng ulo. "Hawakan mo nga ito Jace, nang mabugbog ko ito" abot nito kay kuya Jace na editor niya. "Hindi totoo yun!" pag tatanggol ko saaking sarili ng daganan ako ni kuya. Gumagawa pa naman kase ng kwento si Kuya Jace e hindi naman talaga totoo. I mean-- oo maganda siya pero takot ako kay kuya Coln no. "Tangina mo, naga-aral ng mabuti yung anak ko" sabi ni kuya Coln "Eh bosing tutulongan naman daw niya" Sabi naman ni kuya Mervin "Ay hindi, kaya na niya sarili niya" pag mamatigas ni kuya Coln. Sa apat na buwan na pagi-stay ni Cristal dito sa mansion ay minsan lang kami nagu-usap o nagko-cross ang landas namin. Sumabay ako kay kuya Coln nang papasok ito sa loob ng bahay. "Kasama ko ngayon sina Klode, at pupuntahan natin si Via mahal ko, sa itaas" sabi ni kuya Coln sa Camera na hawak ni kuya Jace nang nasa hagdanan na kami. "Yuck" medyo nilakasan ko ang pagka sabi kaya naman napalingon siya. "Aba, pag ikaw nain love ewan ko nalang sayo, yuck-yuck ka diyan ha" "Eh kung pwede daw ba si Cristal" pagbabalik ni kuya Ezekiel yung topic kanina. "Ikaw ha, umayos ka" pagbabanta ni kuya Coln. "Oh speaking of Cristal" sigaw ni kuya Sebastian na nakasunod saamin kaya naman napa tingin ako sa sinasabi ni kuya Sebastian na si Cristal na pababa ng hagdanan at bitbit ang paperbag ng McDo ay may subo-subo pag fries at nagce-cellphone pa ito. "Uy tinitignan" panga-asar ni kuya Sebastian saakin kaya naman nang ibinaling ko kay kuya Coln ang aking tingin ay naniningkit na ang kanyang mga mata. Nang ibalik ko kay Cristal ang aking tingin ay parang hindi pa niya kami napapansin na nandito kami sa ikalawang palapag ng hagdan tsaka lang ako natauhan ng sampalin ako ni kuya Coln pero hindi naman yun masakit. "May isi-singkit pa pala yang mata mo boy" panga asar ni kuya Sebastian kay kuya Coln. "Ipikit mo mga mata mo" sigaw nito saaakin. Tumatawa naman sa likuran ko sina kuya Ezekiel at kuya Sebastian. "Pumikit ka raw pre" sabi ni kuya Sebastian saakin. Nang malapit na si Cristal saamin ay dali-daling niya akong inabot tsaka niya itinakip ang kanyang kamay sa mga mata ko, naramdaman ko namang inaalalayan ako nina kuya Ezekiel sa likuran ko at nasa harapan namin si Kuya Jace na may hawak ng camera na nakatutok saakin. Kahit naman takpan nila mga mata ko, may butas parin naman sa mga pagitan ng daliri ni kuya kaya medyo may nakikita ako. "Hello Cristal" bati nilang lahat, Nararamdaman ko namang malapit na si Cristal saamin kaya kumaway nalang ako. "Aba't kakaway pa" pagalit na sabi ni kuya Coln saakin tsaka niya pinalo ang aking mga kamay kaya natawa nalang ako. "Ano pong nangyari diyan?" tanong ni Cristal kina kuya nang siguro'y makita akong tinatakpan ng mga kamay ni kuya Coln ang aking mga mata. "Ha? Wala. Diba wala?" parang walang alam na sabi ni kuya Sebastian. "Sige na bumaba ka na" sabi ni kuya Coln tsaka niya ako inakay patagilid, baka siguro naka harang kami sa hagdanan kahit malawak naman ito. "Ayan bossing wala na" sabi naman ni kuya Ezekiel at tsaka lang ako binitawan ni kuya Coln at tinanggal ang mga kamay saaking mga mata. Hinintay ko munang bumalik na normal ang vision ng aking mga mata tsaka ako lumingon patungong kusina kung saan patungo si Cristal. "Aba talaga't lumingon pa" binatokan naman ako ni kuya Coln kaya natawa nalang ako. Siguro ay prinoprotektahan niya lang si Cristal dahil nangako din siya sa mga magulang niya na aalalayan nila ang dalaga. "Ikaw ha, isusumbong kita kay Via. LOOOVEEEE" sigaw nito pag tawag kay ate Via. "BAKITTTTT?" sigaw ring pabalik ni ate Via mula sa taas at dali-dali namang umakyat si kuya sa taas, parang tinakbo na nga niya yung hagdanan e. Naabutan naming naka tambay sila sa may sofa at binabantayan si Von na naglalaro. "Si Klode love, tinitignan si Cristal" pagsusumbong nito kay ate "Ang oa naman nito, tinitignan lang" sabi naman ni ate Via "Hindi, hindi maaari love" "Napaka protective tatay naman nito" sabi ni ate Tricia. "Ay lagot ka sakin Klode" pagbabanta ni kuya Coln saakin kaya natawa nalang ako. "Ang ganda kase e" pagbabalik kong biro sakanya. "Sasakalin talaga kita Klode" sigaw nito saakin kaya natawa naman ang aming mga kasama. Ganto kami maglokohan dito sa mansion kaya kung hindi mo kayang sumunod sa mga joke, hindi ka mababagay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD