May 25, 2020
"So Hello po, Goodmorning sa mga nanonood ng Live Stream ngayon" paninimula ni kuya Coln na leader ng Team Payaman ang broadcast.
Tumabi naman ang aking pinsan saakin dito sa sofa at inabot ang pagkain na dala niya.
"Ngayon, may ia-announce lang kami na importante at itong live stream na to ay hindi naman matagal, mga sakto lang, base sa daloy ng usapan. Pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa"
"Grabe ate, kaka live palang nila pero nasa 500k na viewers oh, iba talaga ang Lincoln"
"Napag desisyonan kase namin ni Via, na mag hold ng scholar student, isa po muna para matignan namin kung kaya ba namin"
"Hoy ate sali ka, para hindi ka na matakot pang tuition" pagrerecommend ng pinsan ko saakin.
"Naku sa ganyang karaming manonood hindi ako mapipili"
"Pero ngayon, sigurado naman kaming kaya namin sa isa, so students na turning Grade 11 na sa pasukan hanggang College ang hinahanap namin, pero..."
"Magsend muna kayo ng letter "Kung bakit ka karapat-dapat na makuha namin bilang scholar student" at picture ng school card niyo last school year"
"Kahit gustohin man namin kayong tulongan lahat guys pero kailangan naming mamili muna ng isa, para experience na rin namin." Sabi naman ni ate Via na girlfriend ni kuya Coln
"At isa pa pala, stay in to pero huwag kayong mag-alala guys kase full package na to, may sariling kwarto, libre lahat- as in lahat. Pero huwag masyado sa luho guys a, scholar ang pinapasukan ha. Pero kahit isang paper clip ipabili mo! Game! Basta ang ano mo lang samin ay magandang Grades, yun na yon"
"Magandang offer na to guys, baka ipagpa-party pa kayo ni kuya niyo Coln pag maganda grades niyo" palokong sabi ni ate Via
"Ay hindi, ipapa red carpet ko pa yung corridor ng school niyo na ikaw lang pwedeng maglakad pag maganda grades mo"
"Ate sige na, go na, kaya mo yannn!! Magandang grade lang pala kailangan e. First honor ka lagi ate jusko sige naaa" pangungulit o pangchi-cheer ng pinsan ko saakin.
"Tatanggap po kami ng mga letter mula bukas hanggang sa katapusan ng Mayo kase sa Agusto po ay opening ng skwelahan na papasukan. Pwede po kayo through Text, Email or sss magpasa or ipapadala niyo nalang po dito sa address na to Via J&T or kahit anong padalahan" tsaka naman nagpakita yung address at cellphone number sa screen. Ika-25 ng mayo ngayon at may limang araw pa ako para makapag isip-isip.
"Ano ba yan Love hindi mo pa nasasabi kung saang school" reklamo ni ate Via kay kuya Coln
"Ay hindi pa ba? Kung hindi ko pa po nasasabi ay sa Avalior Academy po namin kayo ipapasok"
"Dream School mo yan ate" Ewan ko pero parang nae-excite ako na sumali sa paanuncio nina Kuya Coln, pero may part saakin na puro what if's at natatakot ako. Tsaka Dream School ko talaga yun.
"Hay naku ate, wala kang mapapala kung puro ka takot"
"Ayaw mo na ba akong kasama dito? Kaya pinapalayas mo na ako?" pag papa-sad girl ko sakanya
"Hindi naman sa ganun ate, ang sakin lang ay pandemya ngayon, mababawasan ng trabaho sina tita at tito pag sumali ka diyan, o edi pang araw-araw na pang kain nalang nila ang poproblemahin nila pag sumali ka jan"
"Isipin ko muna, magpapa alam ako kay mama" sabi ko naman sakanya para matigil na siya sa pagdadakdak saakin.
"So ayun lang po, salamat sa pakikinig at panunuod, Goodluck po sa mga sasali and Godbless, Sana masarap ulam niyo mamayang tanghalian, Peace! Good bye!"
*The Live Ended*
May 29, 2020
Magandang opportunity nga iyon, at gaya ng sinabi ni Issa, makakabawas sa problema nina mama pag sumali ako. Napatayo ako saaming kama tsaka ako umupo saaming study table ni Issa dito sakanyang kwarto.
Kumuha ako ng papel saaming drawer at ng ballpen. Inayos ko ang aking pagka upo at nagisip ng magandang isusulat para sa isusubmit kong letter.
Subject: Bakit ako karapat-dapat na makuha ninyo bilang scholar student.
*The Email Address Is Successfully Sent*
Sana Lord makuha po ako para mabawasan na ang trabaho nina mama at papa. Sana nasaakin ang swerte ngayon. Kaya ko to, ako pa, sa ganda kong to charot sige na po Lord, ipilit po natin.
Klode's P.O.V.
"Klode wala kang ginagawa?" tanong ni kuya Dexter saakin nang makita niya ako sa Podcast Area na tambayan na rin talaga pag walang ginagawa at sala naman kase talaga to, ginawa lang na podcast kase mas malawak at may aircon.
Binaba ko ang aking cellphone tsaka ako sumagot "Wala kuya, Bakit po?"
"Tulongan mo nga akong mag-ipon ng mga letters ng mga scholar"
Simula kase nung ianounce nina kuya Coln yung tungkol doon ay andaming nagpadala ng mga letter dito sa bahay.
"Grabe kuya andami neto, san natin to ilalagay?"
"Sa Podcast Area dahil mamayang gabi magbabasa tayong lahat at kung sino ang may mas magandang letter, at yung kailangan talaga ay siya ang mapipili"
"Grabe isa lang ang pipiliin sa ganito kadami? Kawawa naman yung mga hindi mapipili kuya Dex"
"Kaya nga sabi nila "Never Lose Hope" just when you think it's over. God sends you a Miracle" tumango nalang ako bilang sang-ayon sa sinabi niya.
"Diyos ko, gayaban niyo po kami sa pagbabasa" panalangin ni kuya Coln nang makita niya kung gaano kadami yung mga nagsend ng letters. "Yung mga email? Naprint mo na ba?"
"Ay ipi-print pa? Inimbak ko na sila sa iisang folder e"
"Iprint nalang para mas maayos yung pagbasa natin" utos ni kuya Coln sa Secretary niyang si kuya Dex
"Sige Boss"
"Sige Thank you"
"Loveeee" sigaw naman ni ate Via kay kuya Coln mula sa second floor. Nasasanay na kami sa laging pagsigaw ni ate Via pag hinahanap niya si kuya.
"Andito po sa Podcast Area" sigaw kong pabalik.
Nakita ko namang bumaba na ng hagdan si ate Via kaya nag thumbs up ako kay kuya.
"Ay hala! Grabe naman to! Ano to? Puro Letters ba laman nito Klode?" Gulat na tanong ni ate Via
"Oo ate, Ayan magsawa kang magbasa diyan"
"Grabe Lovee, napaka swerte talaga natin sa Diyos at tayo pa ang naging instrumento para makatulong" overwhelmed na sabi ni ate Via tsaka niya niyakap si kuya. Si kuya naman hinalikan niya lang si ate Via sa noo tsaka rin siya yumakap pabalik.
"Grabe ha, sa harap ko talaga. Respeto naman po" pagrereklamo ko. Sa harap ko pa naglambingan.
"Kaya ikaw Klode, mag-aral kang mabuti! Diba sabi mo ayaw mo nang mag-aral? Edi taposin mo! Sa pamamaraan ng pag graduate"
"Opo kuya, apat taon nalang naman"
"Maganda yan, para pag naka graduate ka makakahanap ka ng mga trabahong gusto mo"
"Eh kuya gusto ko din naman tong ginagawa ko e, masaya naman ako"
"Siyempre mag-aral ka pa para pag nabakante ako sa editor, ikaw kukunin ko. Extra-extra ka muna ngayon ha?"
"Opo kuya, tsaka kahit naman pa extra-extra lang ako, tignan mo! Ako pa nagbabayad ng tuition ko" pagmamalaki ko sakanya.
Oo tama kayo ng narinig, ako ang nagbabayad ng tuition ko. Simula nung natulongan na ako nina kuya ay nag-ipon na ako, medyo malaki laki kase yung kinikita ko dito kaya may naiipon naman sa awa ng diyos.
"Oh Halina kayo, akin na mga cellphone niyo! Magbabasa tayo dito hanggang umaga! Walang magvavalorant!"
"Grabe naman bossing, valo na valo na ako oh, hindi na mapigil tong mga darili ko" umaction pa siya na parang nagta type yung mga daliri niya.
"22 tayong lahat and 836 letters, so.... 38 na letters kada tao! Walang madaya ha! Ang mandadaya magkaka butlig" pagbabanta ni kuya kaya natakot naman ang lahat.
"Grabe naman, kaya nga ako grumaduate para hindi na magbasa ng mga essay essay na ganyan e" reklamo naman ng kapatid ni kuya Coln na si kuya Nico.
Nagsimula na kaming magbasa, nagpatugtog na rin sila para yun lang ang maingay saamin. Sa sobrang dami ng letter na to, hindi ko alam kung sino ang mapipili, at sobrang mapalad ang mapipili.
Ang masasabi ko lang sa mga hindi mapipili ay Always look on the bright side of life, hindi lagi kailangan ay mapipili ka, dahil minsan yung mga hindi pag pili saatin o saiyo ay lesson rin yun sa buhay mo. Pero kung yung crush mo hindi ka pinili, jumbagin mo.
Cristal's P.O.V.
"Hello po, Good Morning po sainyong mga naka subaybay ngayon. At ngayong araw na ito..." panimula ni ate Via
"TODAY IS THE DAY MGA KAIBIGAN" singit naman ni kuya Coln.
Ika-lima na araw ng Hunyo ngayon at nandito kami ulit ng aking pinsan na si Issa sa kanilang sala habang nanonood ng live nina ate Via at kuya Coln para sa announcement ng scholar.
"Sayang ate, hindi ka nakapag pasa. Hindi mo manlang ako pinagbigyan" kunyaring nagtatampong sabi ni Issa tsaka siya ulit nagsubo ng kinakain niyang popcorn.
"Ay bakit? gusto mo na ba akong paalisin dito?" pangjo-joke ko sakanya.
"Hindi naman sa ganun ate, naiisip ko lang kase na malaking tulong na iyon para sainyo nina Tita. Lalo na ngayong may pandemya" pagpapaliwanag niya.
"Naku Issa malas ako sa mga ganyan kaya hindi ako nage expect"
"Sa bilang na 836 na nagpasa ng letter ay isa lamang ang mapipili at nakaka lungkot naman iyon para sa mga iba, pero malay niyo guys ay sa susunod na kukuha ulit kami o may mahanap pa kayong iba diba?" pag papaliwanag ni kuya Coln.
836?? at isa ako doon, sa dami niyan panigurado hindi ako mapipili, pero kung kaya pa naman Lord, ipilit po natin.
"Kadami naman" hindi maka paniwalang sabi ni Issa.
"Oh diba, sabi sayo hindi ka mage-expect sa ganyan kadami jusko."
"CONGRATULATIONS TO..... *drum rolls* " pambibitin ni kuya Coln sa kanyang sasabihin at nararamdaman ko ang suspence at kinakabahan akong talaga.
"CRISTAL GWYNETTE ANCHETA LIM" sigaw ni Issa tsaka pa siya tumayo at tininaas ang kanyang mga kamay at sa minamalas nga naman ay naisabay pa sa pagka anuncio kung sino ba iyon.
"Sino daw?" curyosong tanong ko.
"Hindi ko rin narinig ate, sorry" sabi nito tsaka siya umupo ulit sa tabi ko.
"Ayon, Congrats ulit sayo Miss Cristal Gwynette Ancheta Lim, kung nanonood ka po man ngayon ay paki-contact nalang po kami sa number na ito. At kung hindi man ay sana paki abot po itong anuncio sakanya. Maraming salamat"
"IKAW?" Sigaw kaagad ni Issa nang maka recover siya sa kanyang narinig.
THANK YOU LORD! SALAMAT PO!
"BAKIT HINDI MO SINABI SAAKIN? KAILAN KA PA NAGTAGO NG MGA GANYAN SAAKIN? BAKIT? BAKIT MO NAGAWA SAAKIN ITO?" hindi paring maka paniwalang sabi nito.
"Surprise?"
"Totoo ba ate Cristal? Aminin mo! Aminin mo! Aminin mo! Ayuko, ayukong makinig" gagi hindi ko na alam kung anong nangyayari sa pinsan ko.
"Ang Oa neto, sorry na nga diba"
"YOU BETRAYED ME!" ay aba siya pa maatittude.
"Sorry na, ikaw naman ang paborito kong pinsan" sabi ko tsaka ko sana siya hihilain para mag hug pero lumayo siya.
"Sorry? Ine-expect mo na papatawarin kita? Ang dami-dami mong chance para sabihin sa'kin yung totoo pero hindi mo ginawa. That's the lie that you want to keep telling yourself na napipilitan ka lang magsinungaling, na hindi mo sinasadya pero sinadya mo! Pinili mo! Huwag kang--- aray ko te" ayan napatigil siya sa kagagahan niya ng hampasin ko siya sa braso, kaka t****k niya yan.
"Gaga ka, Julia ang peg mo? Tigil mo yang kabaliwan mo" sabi ko tsaka binalik ang aking tingin sa pagce-cellphone.
"Congrats ate!! Kaya mahal na mahal kita e, Dahil diyan.. Ililibre kita ng paborito natin." hinug niya ako tsaka niya ako hinalikan sa pisngi at ganun din ang ginawa ko.
"MCDO!" sabay naming sabi tsaka kami nagtawanan.
"o siya, ibalita mo na kina tita yan at mago-order lang po ako" Kinuha ko ang aking cellphone na nahulog dahil sa pag yakap ni Issa kanina tsaka ko inopen ang aking messenger. Hindi pa alam ng aking magulang to kaya panigurado ay matutuwa sila.
Pagka bukas ko ng aking messenger ay bumungad na saakin ang limapak na mensahe at kinocongrats ako. Tignan mo talaga tong mga to, mga plastic. May nag message pang pa shout out ko daw siya sa mga Team Payaman. Aba kay kapal ng mukha.
*RINGING* *00:00*
Idinikit ko saaking tenga ang speaker ng aking cellphone tsaka nagsalita "Hello ma" bungad ko saaking mama ng sagutin nito ang aking tawag.
"Hay nako jusko napatawag ka anak, Congrats" nabigla agad ako sa sinabi niya, paano niya nalaman?
"Paano po ninyo nalaman ma?" nagtatakang tanong ko
"Ay aba--" nag request siya ng video chat tsaka ipinalibot ang camera ng ma-acceept ko ito. "---tignan mo naman anak ko o, andaming dumayo dito sa bahay natin cinocongrats tayo, edi siyempre nagtaka ako. Napa isip pa ako mga baliw ata tong mga kapitbahay natin dahil wala naman tayong ginagawa ngay e biglang nagco-congrats" nilagay nito sa back cam ang camera at totoo nga parang may birthday party sa bahay dahil sa sobrang dami ng tao.
"Paki sabi po Thank you" naiiyak kong sabi
"OH THANK YOU DAW SABI NG MAGANDA KONG ANAK" sigaw nito sa mga tao, kaya naman naghiyawan sila. Nakakaiyak pala yung ganito, sana hindi ko nalang ginawa.
"Eh kailan daw lipat mo anak?" Tanong ni mama saakin.
"Ay hindi ko pa po sila naco-contact ma"
"Eh pag na contact mo na sila, mag paalam ka nang maayo sa tita mo ha?"
"Opo ma"
"Ay sige na itext mo na sila anak"
"Edi i-end mo na to anak at itext mo na sila at baka mabawi pa tsaka malaking tulong to satin, congrats ulit anak. Mahal ka namin ng mama mo" sabi nito bago napatay ang tawag.
Talaga tong mga magulang ko napaka cute tignan, nakakamiss tuloy sila. Halos magda dalawang taon ko na silang hindi nakikita.