Chapter 9: Red haired sheeya *** Fritz pov Matapos matrack nila thyme yung exact location ng red dot ay umalis rin sila upang iprint ang blueprint nito at pag aralan ang lugar, at ako naman bilang isang dakilang tagabantay ay nakaupo lanh dito sa sala kasama si bubwit na hanggang ngayon ay naglalaro sa phone niya. Sila boss naman ay di pa rin lumalabas ng kwarto simula kaninang umaga. "bubwit, sino pala sinundo ng parents mo?" tanong ko kay Vincent dahil kanina pa ako nabuburyo kakaikot dito sa bahay nila. "bakit?! Kikidnapin mo?! Kidnap for ransom?! Waaaah! Sabi na nga ba!" bitaw niya bigla sa hawak niya at naglumpasay sa harap ko. Kailan ba ako makakakuha ng matinong sagot sa OA na batang toh? "tinatanong ko lang. Wala akong balang mang kidnap for ransom. Mayaman na ako." taas noo

