Cello Pov Nasa sala ako ng headquarters namin. Nalaman ko na ang nangyari dahil tumawag sa akin si Jack ngunit wala pa kaming balita kung may nangyari ba o wala kay Solemn. Basta ang alam lang namin ay ang naging plano ng kapatid ni Zham. Bwisit! Inuunahan niya pa ako sa mga plano ko! Ako dapat ang papatay kay Solemn pero hindi ko madadaliin ang lahat, tapos isusunod ko si Pearson para walang sagabal sa tagumpay ko. Akin lang ang mafia. Akin lang. "oh bakit nandito ka pa?" tanong ng kapatid ni Zham, si Graze. Napangisi ako bago tumayo at lumapit sa kaniya, tumaas naman ang kilay nito. "alam mo bang alam na ni Pearson ang ginawa mo?" lapit ko sa mukha niya, bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko pero agad din nakarecover. Ibang klase talaga... "so?" matabang niyang tanong kaya agad ko s

