One

1391 Words
Chapter one: The cat who became a lion *** A year had passed and I wasn't the girl I used to be before. My parents died... And hix's body is nowhere to be found. Iniisip nila na naging abo na sa sunog ang kaniyang katawan, pero ayokong maniwala. Ayokong maniwala ng walang ebidensya, masyado nang masakit ang pagkamatay ng mga magulang ko at mas hindi ko kakayanin kung pati ang aking kambal ay wala na. Buhay siya. Yun ang iniisip ako. Pumunta akong Italy upang doon magtraining ng kalahating taon. I trained every night and day at kahit bumibighay na ang aking katawan ay kinaya ko. Hinasa ko ang aking kakayanan sa paghawak at mabilis na pag assemble ng iba't ibang klase ng baril. Sa pagsense ng presensiya ng tao, at sinubukan ko ring mamaster ang driving at ngayon kilala na rin ako bilang isang demon racer. I used the death of my parents as a motivation for all of these. I even made revenge as my determination... Matapos ang anim na buwan sa Italy ay dumiretso ako ng Japan, para doon ipagpatuloy ang aking training. Kasama ko naman si Stanley sa pag aayos ng aking mga papeles at pagbubura ng data, para makasiguradong hindi ako matratrace ng kahit na sino. "good morning Ms. Woldart." bati sa akin ng isa sa mga board ng aking kompanya sa pilipinas. Naupo ako sa sofa sa harapan niya bago itinaas ang isa kong kilay, senyas na ipagpatuloy niya kung ano man ang balitang gusto niyang sabihin. "We are having trouble with the company, ma'am. The sales are decreasing." paliwanag niya pero di ako kumibo. "wala ho ba kayong sasabihin?" dagdag niya bigla na ikinainis ko naman. "matuto kang maghintay. Bumalik ka na, susunod ako roon. Do some alternative plans first hangga't di ako nakakauwi." seryoso kong sabi at tumayo na. Nag bow naman siya na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin at lumabas na ng aking mansion. *** Inayos ko na muna ang aking sarili para sa pagpasok sa Vermoi Institute, we are teach how to use different swords, blades, dagger or even guns here. Iba't ibang klase ng techniques or strategies, martial arts, taekwondo at judo ay ang iba pa nilang itinuturo. This is a secret institute by the goverment, it is an underground training school para sa mga mafiusa o mafioso. Sinuot ko ng maayos ang aking jacket bago lumabas ng kotse.Hindi naman nagsawa na bigyan ako ng matatalim na tingin ng mga estudyante ng Vermoi. Ang iba ay halos patayin na ako sa isipan nila at alam kong nag iisip na sila ng mga plano kung paano ako iaassinate. Tss. Pero marami pa rin ang gumigilid sa tuwing dadaan ako, sila yung mga natatakot sa akin o sa maaari kong gawin sa kanila marahil ay hindi pa rin nalilimutan ng iba ang kauna unahang bayolenteng ginawa ko sa loob mismo ng Vermoi. Ang nagtatak sa isipan nila na hindi dapat ako binabangga. Flashback Pumasok na ako kasama si Stanley, simula ng pag alis ay siya na ang tumayong parang assistant ko at kaibigan. Nakasuot lang ako ng mahabang violet Victorian dress na binagay ko naman sa black na boots. Panglimang araw ko pa lang dito kaya medyo kakaiba pa ang tingin sa akin ng mga tao. Weird, yan siguro ang unang sumagi sa isipan nila ng makita ako. Wala naman din silang magagawa dahil nag aadjust pa ako at hindi madali iyon. "Whoever that is, she's a trash. Useless dirt!" Nagpantig ang tenga ko sa narinig kaya agad kong nilingon ang babaeng nagsalita. Nakilala ko agad siya dahil sa mahabang may highlights na blue na buhok, siya si treya isa sa mga kaklase ko sa sparring class. Binigyan ko lang siya ng warning look bago humarap muli at umalis sa lugar na 'yon. Kilala si Treya sa institute dahil bukod sa natrained mula ng bata pa lang, nageexcel rin siya in terms of academics dito. After our training ay dumiretso na ako sa locker room para magpalit, si stanley naman ay nauna na sa parking lot at doon na lang ako aantayin. Sinasamahan niya kasi muna ako hanggang sa kayanin ko na raw mag isa, though kaya ko na naman talaga. Tapos na akong magpalit ng marahas na bumukas ang pinto ng kwarto, iniluwa nito ang tatlong babae kasama na si Treya na masama ang tingin sa akin. "Look who's here! Miss blondie" sarkatisko niyang sabi pero nanatili lang akong walang imik habang inaayos ang aking gamit. "Sana ikaw ang makapartner ko bukas sq sparring class" sabi niya "sisiguraduhin kong di na makikilala ang mukha mo!" Sabay sabay naman nagsitawanan ang dalawa niyang kasama na hindi ko nagustuhan. "Sana nga." Malamig ko namang sabi " nang mailibing na kita sa hukay mo" pagpapatuloy ko naman Tumama ang ulo ko sa aking locker ng marahas niya akong itulak at sakalin sa leeg. "What did you say?!" Sigaw niya sa mukha ko pero marahas ko lang din siyang itinulak at isinandal sa katabing locker kaya ngayon ay nagkapalit na kami ng pwesto. "Better watch your mouth young lady, you don't know who i am so better be careful the next time you wanna make a fool of me." Matigas kong sabi habang dahang dahang sinusugatan ang maputi niyang pisngi. Gamit ang gold na kunai na regalo pa ni daddy ay hiniwa ko ang kaniyang pisngi at doon au tumulo ang fresh na dugo mula sa kaniya. "know your place and that doesn't involve messing up with me. Now... BEG! " matigas kong sabi. Unti unti ay gumalaw ang nanginginig niyang bibig at sa mahinang tono ay nagsalita. "S-sorry.... P-please st-top..." That made everyone became afraid of me dahil sa pagkalat ng balitang iyon. And i didn't regret doing it. What happened a year ago has made me hate those useless people who know nothing but to disrespect me. ********* 'If you can't have their respect, make them beg...' I can still remember my father saying it. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat, ang mundong ginagalawan niya, ang bawat salitang binibitawan niya sa akin noon at ang katagang Sinner.... I am a sinner myself, di pa ako pinapanganak kapalaran ko na ang maging isang sinner. I am a born Ruler and i will be the one who will make everyone kneel after me. Pagkarating ng Training room ay ako na lang pala ang hinihintay nila. Nakita ko naman si Treya na bakas pa rin ang mahabang peklat sa pisngi, isang palatandaan na dapat niya akong respetuhin. "Pick a number miss Salvatore" sabi ni ma'am. Sa institute ay di ko ginamit ang totoong apelido at ang maiden name ni mom ang ginamit ko. Mas mabuti na ang maging segurista. Dahil malamang kahit rito ay kumalat ang balita tungkol sa royal mafia at pagkamatay ng mga Woldart. Kita ko ang kaba at takot mula sa mga mata ng mga kasama ko habang bumubunot ako ng number. #22 Yan ang nakuha ko. Pero hindi pa muna namin maaring sabihin ang number na nabunot. Sasabihin lamang iyon kapag kami na ang tinawag. Ilang partners pa ang naglaban at nagkabalian ng buto o di kaya'y mga nagkainitan ng laban. "Miss Salvatore you're next" tumayo na ako at sinabi ang number na nabunot ng tawagin na. "Sinong nakabunot rin ng twenty two?" Anunsyo ni ma'am "I forfeit" mahinang sabi ni Treya pagkatayo pa lang bago ibigay sa aming Trainor ang number twenty two. Mabilis ko namang kinuha ang dagger sa pinakamalapit na lamesa at mabilis iyong binato sa bukas na bintana. Headshot~ nahulog ang isang asassin mula rito at dilat pang mga matang tumumba sa sahig ng training room. Muli na namang gumuhit ang takot sa mga kasama ko maging sa aming guro. "Next time you wanna send someone to kill me make sure na hindi ko malalaman" matalim akong tumingin kay Treya " kung hindi... Ikaw ang susunod sa kaniya" pagtapos ko bago lumabas. Wala na akong ganang pumasok pa dahil sa nangyari kaya napagdesisyunan ko na lang ang umuwi. Wala na rin naman akong ibang magagawa roon kundi tumambay at masasayang lang ang napakahalaga kong oras. "Ang aga mo ah... Anong meron?" Bungad sa akin ni Stanley pagkapasok ko pa lang ng bahay. Nakaupo siya sa sala habang may hawak na laptoo at sa lamesa ang bote ng wine. "How's everything?" Pag iiba ko ng usapan. "You can go home whenever you want." Nakangisi niyang sabi. Sinabi ko kasi yung tungkol sa kompanya at pinaayos sa kaniya ang mga papel ko. "Well... Fix my flight tonight" walang gana kong sabi bago umakyat sa taas para ayusin lahat ng kakailanganin ko. Finally, I'll be going back...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD