KABANATA 6 STACEY POV : Iyak ako nang iyak habang nakadapa parin sa kama, wala akong pakialam sa paligid iyak lang ako nang iyak, kanina pa kumakatok si mommy, maging ang cellphone ko ay kanina pa ring nang ring pero hindi ko iyon pinapansin. Tumigil na sa pagkatok si Mommy pero yun cellphone ko tunog parin nang tunog, naiinis na ako dahil ang ingay-ingay nito, kinuha ko ito sa ibabaw ng maliit na drawer na nasa tabi lang ng kama ko. Sinagot ko ito kahit hindi ko tingnan kong sino ang tumatawag, alam ko naman na si Dhana lang yun dahil mahilig itong tumawag sa ganun oras, nakakainis nga minsan dahil nasa kalagitnaan kami ng hot session ni Harris tapos biglang tumunog nang malakas ang cellphone ko. "H-hello?" Umiiyak ako pero yung boses ko hindi maitago ang pagkainis. "Baby?" malambin

