KABANATA 8 HELENA POV : Nandito ako sa isang restaurant kasama si Mike, si Mike ang kasama ko nang makita kami ni Harris sa isang hotel na walang saplot pareho, ayaw ko siyang makausap o makita pero may sasabihin daw siya sa akin. "Sabihin mo na kung ano man ang sasabihin mo!" galit ako sa kanya dahil sa nangyari samin ni Harris, pero alam kong kasalanan namin pareho. "Relax sweety, mag order muna tayo," nakangising sabi niya habang nakahawak sa menu. "Busog ako, kung gusto mo mag order kana at sabihin mo na kung ano yung sasabihin mo!” direderetso kong sabi, binitiwan niya ang menu, pinagsiklop niya ang mga daliri at matiim na tumingin sakin. Nakipag titigan ako sa kanya, napailing nalang ito at napangisi may dinampot ito sa gilid niya at inabot sa akin ang isang maliit na brown env

