-- Dhana Aayain ko sana si Mike sa isang dinner para doon ko sabihin sa kanya na buntis ako. Kaya lang naunahan niya ako, nagpaalam siya na dadalo nang birthday ng isa sa mga empleyado niya. Pumayag nalang ako, gusto niya akong isama pero tumangi ako kasi baka ma op lang ako at saka alam ko namn na inuman lang yun. Alas dyes na nang gabi pero Hindi pa nag tetext sakin si mike kung nakauwi na siya. "Baby nakauwi kana ba?" Text ko sa kanya hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko at nag-alala na ako. Limang minuto na ang nakakalipas nang mag reply ito na nakauwi na siya at matutulog ma siya. "Ah ok, I love you." reply ko sa kanya, ilang oras na ang nakakalipas pero wala parin reply. Baka nakatulog na ito, kaya pinagsawalang bahala ko nalang at natulog na rin ako bawal daw laso

