KABANATA 4 STACEY POV : Lunes ngayon pero hindi ako pumasok, masama ang pakiramdam ko hindi ko maintindihan gusto ko lang matulog mag-hapon, nakaalis na si Mommy at Harris. Tumawag kanina sakin si Dhana, tinanong kung bakit absent ako, kaya sinabi ko na masama pakiramdam ko, totoo naman, ang bruha ayaw maniwala kaya yun pinatayan ko nalang ng cellphone, nakakainis kasi. Oras-oras din tumatawag si Harris para e-check ako, hindi ko naman mapigilan kiligin. "Baby gusto ko ng strawberry tapos sawsaw ko sa peanutbutter," nakangusong sabi ko sa kanya, kausap ko siya ngayon sa cellphone. "Sure ka baby sa peanut butter mo sa isasaw-saw ang strawberry?" Ramdam ko na nakangiwi siya ngayon, medyo naiinis naman ako, ewan pero ayaw ko nang kino-kontra ako ngayon. "Sabihin mo nalang kasi kung ay

