WARNINGG!!! This is story is unedited, so expect wrong spelling, typo, grammatical erorrs etc.
(This is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.)
Part 1-THE BEGINNING
February 21, 2021~PHILIPPINES
"Sa ngayon ay nasa higit labing-limang libo na ang kaso ng mga may covid-19 cases sa pilipinas at ngayon ay ipinapamahagi na ng gobyerno na sa mga pasyente ang vaccine na ibinigay ng Russia"
"Sa wakas at nagkaroon na din ng vaccine dito sa pinas, mas magiging kampante na ang loob ko". Rinig kong sabi ni mama habang kumakain ng meryenda sa harap ng t.v katabi si papa. Sobrang tagal na ng covid-19 at medyo nasanay narin ako sa new normal, nasanay nadin ako na online class ang pagaaral naming tatlong magkakapatid. Masasabi kong hindi naman pala ganun kahirap ang mag-adjust sa new normal di tulad ng sabi ng iba na hanggang ngayon ay hindi padin makapag-adjust
Nabaling ulit ang atensyon ko sa modules na sinasagutan ko dahil biglang nalaglag yung mga libro na nakalagay sa table
Nakatulog na pala sa kasasagot ng modules si Seviryo. Ang cute cute nyang matulog para syang anghel na nanggaling sa langit tapos bumaba sa lupa. Naputol ang pagtitig ko sa bunso kong kapatid kasi bigla nalng akong tinawag ni kuya. Ano nanaman bang kailagan ng bakulaw nayun sakin? Kanina pa sya tawag ng tawg sakin eh siguro may gusto to sakin si kuya Kylmer hindi lang nya maamin. Cheng! Bawal yun magkapatid kaming dalawa ni kuya. Kahit pa gwapo sya never akong magkakagusto sa kanya.
"Oh? Uutusan mo nanaman baa ko na tawagan yung mukhang pa among girlfriend?". Tanong ko kay kuya. Bigla naman nagkasalubong yung dalawa nyang kilay dahil sa sinabi ko.
Yakkkk! Tigilan mo ko sa ganyang mukha kuya, nagiging si Red ka sa angry birds. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo Alyanna? Wag mong tatawagin ng ganyan si Nicole, girlfriend ko sy and besides mas matanda sy sayo. So you have to respect her". Suway sakin ni kuya. I rolled my eyes nalang sa kanya saka inopen yung refrigerator at kumuha ng malamig na tubig, yung tubig na mas malamig pa sa convo nyo.
"Ikaw ang naka-assign bukas na mamili sa grocery kaya hinanda ko na ang mga listahan ng bibilhin mo". Sabi nya saka inabot sakin ang isang piraso ng papel. Napataas ang kilay ko dahil sa nakasulat sa papel. Kumukulong tubig, isang pirasong buhok nya teka ano ba tong mga nakalista dito?. "Kuya mangkukulam ka ba?". Napataas ang kilay nya dahil sa tanong ko nayun. "oh baka naman may gagayumahin ka". Dagdag ko pa. "2021 na kuya pero naniniwala ka padin sa gayuma?". Pagpapatuloy ko.
"ano bang-". Biglang huminto sa pagsasalita si kuya nang mapansin nyang ibang papel pala ang naabot nya sa akin
"Akin na yan!". Sabi nya saka hinablot sa kamay ko yung papel na binigay nya sakin kanina.
Ikaw kuya mangkukulam ka pala di mo sinasabi". Pang-aasar ko pa sa kanya."shut the f**k Leyanna!". Sabi ni kuya. "hala! Nagmumura ka kuya isusumbong kita kay mama". Sabi ko.
Nakikita ko na yung usok na lumalabas sa butas ng tenga at ilong nya kaya nagmadali na akong lumabas ng kusina. "Ma! Pa! Si kuya Kylmer bubugahan nanaman ako ng apoy!". Sigaw ko saka nagtatakbo palapit kanila mama.
Wala namang nagawa si kuya kundi ang pabayaan ako. Hindi nya ako pwedeng kotongan sa harap nila mama dahil kapag ginawa nya yun sya ang makokonyatan nila mama. Bwahahahahah.
"Manahimik na nga kayong dalwa palagi nalang kayong nagbabangayan dyan". Sabi ni mama. "Hala sige matulog na kayo dahil maaga pa kayong magigising bukas". Sabi sa amin ni mama saka nya binuhat si Seviryo at dinala sa kwarto.
Dumiretso naman ako sa kama ko saka nagtaklob agad ng kumot.
"Hoy panget! Gising na!". Bigla akong napadilat dahil sa lakas ng sigaw ng bakulaw kong kuya. "Tabi dyan! Ang ganda ganda ng sikat ng araw ikaw nagpapanget!". Banat ko saka tinanggal yung mukha nya sa harapan ko.
Pumunta agad ako sa lababo saka baghilamos ng malamig na tubig para magising yung diwa ko saka nag toothbrush.
"Ma, pupunta lang ako kanila James nag-aaya kasi sya na mag tulungan kami sa module". Rinig kong sabi ni kuya. Pero dahil ako tong si gaga. Sumingit agad ako sa usapan nila.
"Naku ma, wag mong papayagan yan si kuya makikipagkita lang yan dun sa mukhang Paa nyang girlfriend na si Nicole". Sabi ko. Tinignan naman ako ni kuya ng masama.
Bleee! Di ka sana payagan ni mama.
"Hindi". Sabi ni mama. Nginisian ko naman sya saka binelatan. "Ma?". Mahinahong sabi ni kuya. "samahan mo muna si Leyanna sa grocery bago kayo maggala gala". Bigla naman akong napasimangot dahil sa sinabi ni mama.
"Ma, maganda akong aso at ayaw kong May nakasunod sa akin na garapata". Sabi ko kay mama. "Hay naku Leyanna magtigil ka na sa kahanginan mong yan, malakas na nga ang hanging dahil sa bagyo tapos dadagdag ka pa".
Ma! Pagbiruan biruan lang namemersonal ka kaagad eh. Trigger si mader.
"Sige na bilisan nyo ng kumain dyan at sumabay na kayo sa tricycle ng papa nyo papuntang grocery". Sabi ni mama saka kami inabutan ng mga pagkaing luto nya.
Pagkatapos naming kumain ay naligo muna ako. Syempre kailangan yun para fresh ka pagdating mo sa grocery ang dami ko pa namang nakikitang pogi doon. Lalo na si Nikolai my luvs! Palagi ko syang nakikita sa grocery kapag sinasama ako ni mama. Si Nikolai ay syang SSG president ng school namin kaso nga lang hindi kami pwedeng pumasok ng face to face kaya ayun hindi ko sya nakikita.
Naalala ko one time sinadya kong mag cutting para lang hulihin nya ako. Masyadong malakas ang tama nya sakin.
"Hoy panget! Wag ka ng magpaganda dyan nagpapaganda ka pa wala naman nagbabago sa itsura mo muka ka paring si Dora!". Sabi ni kuya. Binato ko naman sya ng suklay pero nailagan nya naman yung ibinato ko.
"Tsk! Ikaw naman si Boots! Pareho kayong unggoy!". Sigaw ko saka ulit tumingin sa salamin at pinagmasdan ang repleksyon ko. Mukha daw akong si Dora! Ang ganda ko namang version ni Dora.
Pagkatapos kong mag-asikaso ay lumabas agad ako ng kwarto. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sa'kin yung unggoy kong kuya. "Ang panget naman ng bungad! Tabi nga!". Sabi ko saka sya pinatabi sa harap ng pinto.
Bago nanaman ang pabango ni kuya. Amoy na amoy ko yung panglalaki nyang pabango. Umorder nanaman siguro sya sa Lazada. Tsk! Ang gastos talaga ng unggoy nayun.
Buti pa ako kahit simple lang maganda padin. Nag flip naman ako ng hair bago ako lumabas ng bahay. Feel na feel ko yung pagkakalabs ko sa bahay namin. Sa wakas ay makakalanghap na ulit ako ng sariwang hangin.
"Hoy panget! Wag ka ng humithit dyan sumakay ka na sa tricycle para maaga tayong makauwi". Tsk! Kahit kailan panira talaga yung unggoy na'to.
Umirap muna ako saka ako sumakay ng tricycle. "Usog nga kuya ang taba taba mo eh". Pang-aasar ko pa sa kanya. Nilabas ko yung alcohol ko sa bag ko saka ini-spray kay kuya yung laman. "Ano ba!". Sigaw ni kuya.
"Disinfect Lang kuya mukha ka pa namang virus". Sabi ko saka ulit binalik yung alcohol sa bag. Muntik na akong tumaob sa kinauupuan ko dahil bigla nalang pumreno si papa.
"Ano ba naman yan pa! Gusto mo atang masira ang mukha ng maganda mong anak eh".
Sabi ko saka inayos ulit yung buhok ko na napunta sa mukha ko.
Narinig ko yung mahinang pagtawa ni kuya sa tabi ko pero di ko nalang yun pinansin. Ayaw kong magkaroon ng bad vibes kasi baka malasin ako. May malas na nga sa tabi ko lalo pang madagdagan.
"Babye pa! Salamat sa bente pesos". Sabi ko saka kumaway kaway.
"Hoy panget aantayin nalang kita dito". Nabaling ulit yung tingin ko kay kuya na nakatingin sa salamin ng sasakyan. "Sus! Iiwan mo lang ako magisa para makita yung mukhang Paa mong girlfriend" sabi ko saka inayos yung sling bag ko.
Sinamaan nya naman ako ng tingin dahil sa tinawag ko sa girlfriend nya. Tsk! Masama bang magsabi ng totoo?
Jowa jowa pa magbe-break din namn kayo!
"Bala ka na mag-grocery mag isa. Eto pamasahe". Sabi nya saka inilagay sa kamay ko yung isang daan. "Hala! Teka!". Ang daya daya naman neto ni kuya iiwan nya talaga ako mag-isa para sa mukhang Paa nyang girlfriend!
"Isusumbong kita kay mama!". Sigaw ko nang makatakbo sya palayo sakin. "Hay! Kaiinis! Wala na akong magiging taga bitbit ng mga bibilhin".
Inis akong pumasok sa loob ng grocery. Humanda ka sa akin paguwi sa bahay kuya!
Huminto ako sa bilihan ng mga gatas dahil bigla kong natanaw si Nikolai my luvs na dumaan! Omygosh! Eto na! Dis is it pansit! Lalapitan ko na sya!
Inilagay ko kaagad sa basket yung kinuha kong gatas saka naglakad papunta sa direksyon ni Nikolai.
Ibubuga ko na sana yung hangin sa salitang sasabihin ko nang bigla akong nakarinig ng mga nagsisigawang tao kaya naman napalingon ako.
Napataas yung kilay ko dahil nakita kong kumpulan yung mga tao sa direksyon kung saan ako nanggaling kanina. Halos nakalimutan na nila yung social distancing parang walang covid.
Hindi ko na sana sila papansinin pero bigla ko ulit narinig ang isa sa mga tili nung babaeng nandun.
Wrong timing naman kayo mga ate!
Lalapit na sana ako nang bigla kong nakita yung mga tao doon na nagsitayuan at nagsitakbuhan. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang babaeng nasa edad 24 na kinakagat ang isang matandang babae sa leeg.
Dahil sa pagkabigla ko ay nabitawan ko yung basket na hawak hawak ko. Dahil sa ingay na gawa ng pagkakahulog ko sa basket naagaw ko ang atensyon nya. Holy s**t!
Bigla akong napatakbo dahil sa takot ko. Kitang kita ko ang mga ngipin nya na may mga sariwang dugo. Feeling ko ay masusuka ako dahil sa nakita ko. Sa harap ko mismo nakita ko kung paano nya kagatin at kung paano natapyas yung balat ng matanda.
Napasigaw naman ako ng malakas dahil bigla may humila sa akin. "Shhh". Rinig kong bulong sakin ng pamilyar na tao. Medyo kumalma naman ako kasi kahit papaano ay nakaiwas na ako doon sa baliw na babaeng parang isang zombie kung kumilos.
Nang mahimasmasan na ako ay saka nya lang inalis yung kamay nya sa bibig ko. Lumingon naman ako sa taong nagsalba sa buhay ko at laking gulat ko nang makilala kung sino ang lalaking nasa harapan ko.
"N-Nikolai?".