Joey's POV Ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko, kahit nga si maam eh paminsan minsan ay napapatingin sa direksyon ko, pero ang pinakaramdam ko sa lahat eh yung sa lima lalong lalo na yung kay Sky. Mula nang kindatan ko siya ay hindi ko na ulit siya tiningnan dahil baka kapag mapansin nitong mga bantay ko magsumbong pa to kay lolo, edi patay naman ako, ayaw nga nung mapapalapit ako sa mga yan eh, baka alisin pa ako nun dito sa school kapag nakaranig yun ng kahit konting mali sa mga to. "So that's all for today, you may go" nagsimula namang maglabasan ang mga kaklase ko pero bago sila lumabas titingin muna sila sa akin, kaya yung tatlo pinaligiran ako. Huli kong nakita, yung limang lumabas, sila Aki ay pilit na hinihila si Sky, mas maganda yung ginawa nila

