Joey's POV "Sachiko-sama, Akai-dono would like to see you now" sabi ng isang babaeng pumasok sa kwarto ko, nagbow pa, anong problema ng mga tao dito lagi na lang nagbobow kapag pumapasok ng kwarto ko. "please follow me" sumunod naman ako, aba gustong gusto ko ng lumabas dito, wala na akong ginawa sa loob ng kwarto kundi kumain, humilata at ngumanga sa kisame, nakakabadtrip pa yung mga damit na pinasusuot nila sa akin, pucha puro dress nakakaasar, wala naman akong magagawa kaya sinusuot ko na lang, parang ngayon lang chicks na chicks ang dating ko. Tumigil kami sa harap ng isang malaking pinto, tsk lahat ng gamit dito kundi malaki halatang mamahalin. Kumatok muna tong kasama ko. "come in" sabi ng isang boses. Eto siguro si Tandang Akai, kaiba ang boses, halatang mataa

