Joey's POV Maaga akong pumasok ngayon kasi may ipapagawa daw sa akin si Maam Banes. Ayos yung prof na yun ginawa na akong katulong. Pagkarating ko sa room wala pang tao, malamang ang aga aga kong pumasok eh. Ayos din naman to si maam pinapasok pa ko ng ganto kaaga wala pa naman pala siya. Mga 10 minutes pa akong naghintay bago dumating si maam. "oh Joey kanina ka pa ba?" "Hinde ayos lang" sabi ko na lang, sanay na yan sa akin hindi talaga ako marunong gumamit ng magagalang na salita. Kaya ako ganito. "Come here. Tulungan mo ko rito." Andami niyang hawak na papel. Lumapit ako sa kanya at naupo sa desk niya. "Joey bawal umupo dyan. Kumuha ka ng upuan" saway niya sakin. Tss, sumunod naman ako at humila ng upuan. "oh eto ayusin mo, test papers nyo yan nung nakaraan isul

