Joey's POV Hinila hila ako ni Sky papuntang boutique ni Aling Zell, dun daw kami kukuha ng damit ko, pinalayas niya nga yung mga tao dun para daw walang abala. Ewan ko kung anong pinaplano nito, hinayaan ko na lang, pagbigyan na, iba na kasi talaga ang pakiramdam ko, alam kong may hindi magandang mangyayari sa akin. Sa tuwing may ganito akong hinala laging nagkakatotoo eh. Parang ganito rin yung nangyari nang biglang nawala sila Melda, naramdaman kong may hindi tama. At yun nga kinabukasan wala na sila at hindi na bumalik. "eto na lang suotin mo Joey" may inabot siya sa aking bestidang kapag sinuot ay makikita ang kaluluwa mo sa unting paggalaw. Binato ko nga sa kanya, manyak eh, parang pang kay Joy lang pwede yun. Tatawa tawa naman siyang naghanap ng ibang damit. In

