Joey's POV Ano ba tong nararamdaman ko, para kasi talagang may mangyayaring hindi maganda. Kahapon ko pa nararamdaman to. "Boss excited na ako, ngayon na lang ulit ako makakapasok ng school" wagas ang ngiti ni Bogart ngayon, nagmuka ngang tao ang loko. Nandito kami ngayon sa kotse, papasok na kami sa school. Etong kasama ko hindi magtigil ang bunganga. Kanina pa yan dada ng dada, hindi ko lang pinapansin. Hanggang makapasok kami ng room, wala pa ring tigil ang bunganga niya. Naging maayos naman ang pagtanggap kay Bogart ni Maam, hindi na nga nagtanong, ang galing talaga ni lolo. Napatingin ako sa gawi nung lima, lahat sila nakatingin sa akin na kala mo nakakita ng kung ano, nung makita ko ang muka ni Sky, alam ko na kung saan nanggagaling yung masamang pakiramdan ko. Ayan na naman

