Joey's POV "Joey tara ng pumasok" sabi ni China sa akin pagkatapos nyang mag-almusal. Ayos din tong babaeng to kitang nakasalpak pa yung kutsara sa bibig ko. "Pumashok ka nya" sabi ko sa kanya habang nginunguya ko yung pagkain ko. "Sabay na tayo." nilunok ko muna yung kinakain ko tapos uminom ng tubig bago ko siya sinagot. Baka matalsikan pa ng kanin sa muka to, sayang yung kanin. "Hindi ako papasok ngayon may aasikasuhin ako" "huh? ano kaya yun, kapapasok mo lang kahapon tapos aabsent ka na agad" "China, pumasok lang naman ako kahapon para makita ako nung lima nang hindi na sila gumawa ng katangahan. Ngayong nakita na nila ako at alam kong wala na silang gagawing kapalpakan, aayusin ko naman yung mga naiwan ko. Kaya pumasok ka na" tiningnan niya pa ako ng matagal.

