CHAPTER 57 SANDRA's POV: INAMIN ko na kay David ang totoo. Mulat na ako sa katotohanan. Set-up nga ang lahat. Pareho kaming napaikot ni Katrina. At kung sino man ang kasama niya sa pagpatay sa anak namin, ipapatikim ko sa kanila kung gaano kainit ang mapunta sa impyerno. Hindi ko na papalagpasin ito, lalo pa't sabay na kaming lalaban ni David. "How about Derick?", he asked me. May namumuong selos sa boses niya na hindi ko man lang naisip ito. Hays! I'm too selfish kung iiwan ko si Derick dahil lang kay David. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. "Sabi ko nga, maghihintay na lang ako hanggang sa maging okay ang lahat.", pilit na turan niya. Siya pa mismo ang sumagot sa tanong. "I'm sorry. Hindi naman agad maibabalik ang dating tayo dahil sa mga paliwanag mo. Rememb

