CHAPTER 3

1119 Words
CHAPTER 3 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO" David's POV: Abot-tingin ko na lamang ang dalaga habang papalayo na ito sa gawi ko. Umalis na siya at tila wala na itong balak na ipagpatuloy ang trabaho. Hindi ko man lang natanong ang buong pangalan niya dahil sa pagiging masungit at mataray nito sa akin. I don't know why she's acting like that. Siya na nga 'tong tinulungan, ang sama pa rin ng tingin niya. Tsk. "Boss David, saan namin dadalhin ang mga 'to?", bigkas ng tauhan ko habang kinakaladkad ang lalaking nambastos sa bababe. Bugbog ang mukha nito na halatang pinagkaisahan ng mga tao sa loob. "Tapon niyo, o kaya idala niyo sa presinto.", tanging turan ko. Yung mga nando'n sa club, karamihan do'n, nagtatrabaho sa kompanya ko. At ang iba naman, kilala ako dahil sa yaman ng aming pamilya. Kaya nga, hindi na ako nagtaka pa, kung bakit alam ng dalaga ang pangalan ko. Humakbang muli ako sa papasok ng club para kausapin ang manager ng babae. I need know some information about her. Ewan ko ba, at nagkakaroon ako ng interes sa taong 'yon. She's damn hot and beautiful. Kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na mukuha ito. "Ikaw ang manager dito sa club, tama?", agad na sambit ko sa Ginang habang binibigyan ng sweldo ang mga babaeng sumayaw kanina. "Y-yes po Sir David. Bakit ho? M-may naging problema ba sa ka-table mo? Sinabihan ka ba ni Kate Velasco ng masama?", sunod-sunod na tugon niya. "Kate Velasco?", pag-uulit ko sa pangalan na binanggit nito. "Opo Sir. Si Kate Velasco. Yung naka-table mo kanina.", "Meron ka bang contact sa kanya?", "--I mean, may cellphone number ka ba ni Kate?", pagtatanong ko muli. "Of course Sir. Lahat ng mga empleyado ko rito, may contact ako.", "--Ahm here, kay Kate na number 'yan.", "--Sabihin mo lang sa akin kung may ginawa s'yang mali sayo.", agad na saad niya at ini-abot sa akin ang maliit na card. "Thank you.", tipid na sambit ko nang kunin ko 'yon. Mabilis akong pumunta ng men comfort room para tawagan si Kate. Dinial ko ang number niya at ilang beses muna ito nag-ring bago may sumagot. "Hello honey, it's me David. Magkita tayo bukas.", bigkas ko sa kabilang linya. Ganito talaga ako sa mga babae. Straight to the point kung magsalita. "Honey? Tinatawag mong honey si mama?", turan ng isang bata na animo'y pasigaw kung kausapin ako. T-teka, bata? Bata ang sumagot ng tawag ko? "--Hoy lalaki, nanliligaw ka ba kay mama ha?", muli nitong sambit. That voice was so familiar on my ears. Parang narinig ko na ito, at hindi ko lang matandaan kung saan. "Mama mo si Kate?", nalilitong saad ko. "Oo. Mama ko siya. Bakit, may angal ka?", wika ng lalaking bata mula sa cellphone. "W-wala. Wala akong angal boss.", tugon ko rito. Fuck! Kung makipag-usap ito sa akin, akala mo, siya yung maedad sa aming dalawa. "Good. Mabuti ng malinaw.", "--Kaya kung manliligaw ka ni mama, kailangan mo munang dumaan sa kamay ko.", "--Pumunta ka dito sa bahay, bukas ng maaga. Sa baranggay Ligaya.", wika niya na may kaangasan sa pananalita. Nagawa na nitong i-end ang tawag na sobrang ikinabigla ko. SHIT! Talagang pupunta ako sa bahay nila, para masakal ko ang batang 'yon. Pakiramdam ko kasi nagkita na kami. Kaya gusto kong masagot ang katanungan sa isipan ko. Nang sa gano'n, malaman ko ang totoo. Pinaghandaan ko ng mabuti ang araw na 'to. Gumising ako ng 7:00 a.m, para hindi ako ma-late sa pupuntahan ko. Oo, kikitain ko ang batang nakausap ko kagabi. Akala mo kung sinong matanda kung makaasta sa akin. Kaya bibitayin ko siya patiwarik para matuto s'yang gumalang. Siguro, hindi ito napalaki ng maayos ng nanay niya kaya gano'n ang naging ugali. "Call the driver, aalis kami.", utos ko sa yaya habang nagpapa-gwapo ako sa harap ng salamin. It's another day. Another day that I will face that child. ___ Nang makita kong ayos na ang suot ko, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa may garahe kung saan nando'n ang driver na naghihintay sa akin. Agad akong pumasok sa kotse at sinabi ko sa kanya na sa Brgy. Ligaya ang punta namin. Hindi na nga ito nagpaligoy-ligoy pa at mabilis na pinaandar ang sasakyan. "Sir David, sigurado po ba kayo na dito ang punta natin?", "--Masyadong madumi ang lugar na 'yon. Baka hindi ka sanay.", saad ni Manong na tila binibigyan ako ng pagkakataon para umatras. "Just drive. I don't need your opinion.", "--Kailangan nating magmadali dahil atat na akong makita ang bata.", bigkas ko rito. "Bata?", "--M-may nabuntis ka po ba, Sir?", usisang tanong niya. "Pwede ba, kinuha kitang driver para magdrive, hindi para maging chismoso sa lahat ng bagay.", inis kong turan dahilan para matahimik siya. Tumagal ng kalahating oras bago kami nakarating sa baranggay. Squater ang lugar. Dikit-dikit kasi ang mga bahay, isama mo pa na maraming basura ang naka-kalat sa paligid. Tinakpan ko ang aking ilong ng panyo at nagtanong-tanong na rin ako, kung saan dito ang bahay ni Kate Velasco. Hindi na kami nahirapan hanapin 'yon, dahil masyadong sikat pala ang babaeng 'to sa lugar nila. "Bumalik ka na sa mancion, tatawagan na lang kita kapag uuwi na ako.", saad ko sa driver na kaagad tumango at tinalikuran ako. Hinarap ko naman ang maliit na barong-barong na may maliit na pinto. Kung titingnan, mas matangkad pa yata ako sa pintuan nila kaya bahagyang napangiwi ang labi ko sa aking naobserbahan. Ang tapang ng bata sa cellphone, heto lang pala ang bahay nila. Tsk. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito binuksan. And s**t! Halos matumba ako nang makilala ko ang taong bumukas ng pinto. "K-kuyang pogi? A-anong ginagawa niyo rito?", tanong nito na hindi maguhit ang mukha. "Ikaw? Ikaw ang batang sumagot ng tawag ko kay Kate?", balik na bigkas ko. "At ikaw ang manliligaw ni mama?", pagpapatuloy niya sa sinabi ko. Tangina! Hindi kami magkaintindihan dahil pareho kaming nagulat sa isat-isa. At para hindi na ako maguluhan pa, marahan kong tinulak ang bata na naka-abala sa gitna ng pinto. "Abah, hindi pa ako nagsabi na pumasok ka ha?", "--Minus one, dahil wala kang respeto sa akin.", rinig kong sambit nito na sumunod sa akin. Nanatili akong nakamasid sa bawat sulok para tingnan ang mga pictures sa dingding. Nasilayan ko ang picture ni Manang na katabi ang anak niya. At sa gilid nito, nando'n si Kate. Ang babaeng naka-table ko sa bar. Napailing ako ng bahagya at pinipilit na panaginip lang ito. "Ang ganda ni mama, noh?", "--Sa gabi lang s'ya nagpapaganda kuyang pogi, pero sa umaga, daig niya pa ang isang pulubi kapag sumuot.", ngiting wika ng batang lalaki. Fuck! Yung Manang at si Kate ay iisa?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD