CHAPTER 51 (WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO) ____ David's POV: UMIINOM ako ng alak nang tawagan ko si Sandra. Ito ang naisip kong paraan para magkaroon ng lakas at kapal ng mukha na humingi ng sorry sa kanya. Aaminin kong mali nga na hinalikan ko siya, pero ginusto ko 'yon eh. Nakakatawa mang isipin pero yung mata niya, katulad na katulad sa mata ni Kate. Hindi ko tuloy maiwasan na masaktan sa tuwing pinipilit kong buhay pa ang asawa ko. Nababaliw na yata ako. Kaya heto, nagawa kong ikumpara si Sandra sa babaeng minahal ko. "Alam mo, naisip ko na sana ikaw na lang si Kate. Na sana ikaw na lang ang asawa ko.", saad ko rito. Tumatalab na siguro sa akin ang epekto ng alak kaya ganito ang lumalabas sa bibig ko. "Hindi pa kita gaanong kilala, pero malakas ang impact mo sa akin Sa

