CHAPTER 45 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO" SANDRA's POV: ISANG meeting lang naman ang ginawa ko ngayong araw. Pasakalye ko lang 'yon para pahirapan si David. Gusto kong maghabol siya hanggang sa mapagod at lumuhod sa harapan ko. Natutuwa kasi ako kapag gano'n ang mangyari. And I can't wait to see him begging on me. "Melanie, kapag dumating si Derick na wala pa ako, pakisabi sa kanya na may pinuntahan lang ako na importante.", pagbibilin ko sa Secretary. Balak ko kasing dumalaw sa puntod ni Michael. Gusto ko siyang makausap at sabihin na inuumpisahan ko na ang paghihiganti. Ito kasi ang pangako na binigkas ko nung mamatay siya. At ngayon, sinisimulan ko na ito kay David. Siya muna ang uunahin ko. NAGDRIVE na ako patungo sa cementeryo kung saan nilibing ang anak ko. Katabi

