CHAPTER 43 "WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO" SANDRA's POV: TANAW na tanaw ko mula sa bintana si David. Nasa labas siya at nakatayo habang patuloy na humihintay sa akin. Talagang tinotohanan niya ang sinabi kanina. Akala siguro nito, pagbibigyan ko siya. Of course not! I don't want to talk to him. Manigas siya at mangalay sa kakahintay. "Hindi mo kakausapin?", tanong ni Derick. Madilim na rin kasi dahil gabi na. At sa palagay ko, dalawang oras na siyang tumatayo. Wala siyang kotse na dala at tanging motor lang na single ang ginamit niya papunta rito. Halatang naghihirap na. Iba talaga kapag si Karma na ang gumagawa. Hindi pa nga ako kumikilos, ganyan na agad ang estado ng buhay niya. "Why would I? Nakaka-enjoy kayang panoorin siya.", sagot ko naman na may demonyong ngiti sa

